Posas1

Suspek sa pagpatay sumuko sa Pasay mayor

August 4, 2023 Edd Reyes 496 views

SUMUKO kay Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang isang suspek sa pagpatay sa 51-anyos na lalaki noong Hulyo 31, 2023 sa Pasay City.

Unang hiniling ng suspek na si Rener Saddi kay Chairman Antonio Trestiza ng Brgy. 162 sa Malibay na tulungan siyang ipaalam kay Mayor Emi ang kahandaan niyang sumuko sa paniniwalang hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay kapag sa alkalde siya sumurender..

Pumayag ang alkalde sa hiling ng suspek at para na rin mabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Marlon Avila na pa-traidor na pinagbabaril ni Saddi kasama ang dalawa pa sa Kapisanan St. Brgy. 162, Malibay.

Sinabi ni Saddi na napuno na siya sa pambu-bully sa kanya ni Avila sa tuwing dumadaan siya sa lugar na tinatambayan ng biktima.

Nauna nang nahuli ng mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Froilan Uy ang kasabuwat ni Saddi na si Roger Rabie, alyas “Toto,” noong Miyerkules habang tinutugis pa ang isa pa nilang kasama na si Elberth Samson.

AUTHOR PROFILE