Suspek Pinasalamatan at pinuri ni MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay ang mga pulis ng MPD Station 8 sa agarang pag aresto sa suspek sa pangho-holdap. Kuha ni JONJON REYES

Suspek sa 7-11 robbery nalambat

March 8, 2024 Jonjon Reyes 64 views

TIMBOG ang primary suspek sa pangho-holdap ng 7-Eleven branch sa Sta. Mesa, Maynila noong Huwebes ang ex-army sa follow up operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Station 8.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng Sta. Mesa Police Station 8, ang suspek na si Alberto Amadot Ungra, 54, tubong Atimonan, Quezon at retired sergeant ng Philippine Army.

Naaresto si Ungra sa harap ng isang bahay sa Samat St., Brgy. 206, Tondo, Maynila matapos magreklamo ang kinatawan ng 7-Eleven na si Jonel Godo.

Madaling araw ng Huwebes nang pumasok sa convenience store ang suspek at magpanggap na kostumer ng nilapitan ang kahera at biglang nagdeklara ng holdap hawak na may hawak na baril.

Tinangay ang halos P12,000 kita ng store saka tuluyang tumakas.

Narekober sa kanya ang isang motorsiklo, ibat-ibang bala ng baril, magazine at IDs at tactical bag na naglalaman ng mahahalagang gamit ng suspek.

AUTHOR PROFILE