Default Thumbnail

Suportahan natin ang bagong Agriculture Secretary

November 15, 2023 Allan L. Encarnacion 192 views

Allan EncarnacionGOOD choice si Kiko Laurel bilang bagong secretary ng Department of Agriculture.

Sa mga kumukuwestiyon sa kapasidad ni Sec Kiko, dapat siguro ay tingnan munang mabuti ang kanyang mga nagawa sa sarili niyang kompanya mula sa pagiging maliit hanggang maging low profile corporate giant.

Mga ilang beses na rin nating nakaharap si Sec Kiko sa mga okasyon ng aming mga common friends. Kahit isa itong bilyunaryo, hindi mo makikita sa kanya iyon dahil marunong makisama at madaling pakibagayan. And by the way, magaling din ito kumanta, hindi ko lang alam kung kaya niya ang My Way!

Tanong ng mga miron na pang-asar, ano raw ba kinalaman ng pagiging fishing magnate sa usapin ng agrikultura at bakit kailangan si Laurel ang maging DA chief? Sa mga ganito magtanong at mag-isip, baka mga bagong silang pa lang sila. Hindi lang gulayan at sakahan ng palay ang nasa mandato ng DA. Nasa kanilang poder din ang pangisdaan.

Kasama sa holistic approach para makamit ang food security ay ang tiyakin ng DA na mayroon tayong sapat na bigas, sapat na gulay, mga karne at mga isda para sa buong bansa.

Hindi lang simpleng secretary ang kailangan sa DA, dapat ay isang pinuno na nakaapak sa mismong problema gaya ng kakapusan natin sa supply ng ating mga lamang-dagat. Kaya nga tayo nag-aangkat ng mga isda dahil sa maraming pagkakakataon ay hindi ito natutukan ng departamento.

Kaya nga importanteng lehitimong mangingisda na katulad ni Sec Laurel ang naitalaga dyan sa DA para alam ang problema at may bitbit na solusyon.

Sa totoo lang, hindi madali ang problemang dinatnan ni Sec. Kiko kaya hindi rin tama na may batikos agad siyang matatanggap mula sa mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan.

Most problematic department ang DA magmula pa sa nagpasalin-saling administrasyon after 1986 kaya nga tayo puro importation ang ginagawa sa maraming dekada. Iyong FM admin lang naman talaga ang epektibong nakahawak ng DA kaya sobrang mura at sagana ang supply ng pagkain ng bansa mula dekada 70 hanggang mid-80s.

Aminin man o hindi ng mga nakaraang administrasyon, neglected agency ang DA dahil puro political accommodation ang nangyari sa departamento.

Kaya nga mahigit isang taon bago nagtalaga si President BBM ng DA secretary ay dahil sa masyadong kritikal ang ahensiya na ito kaya siya muna ang naging acting secretary bago nahirang si Sec Kiko.

Mataas ang kompiyansa ng Pangulo kay Sec Kiko kaya ito ang tingin kong magpapalakas sa kanyang mga programa para makamit natin ang food security sa mga nalalabing taon ng Marcos administration.

Suportahan muna natin si Secretary Laurel, bigyan natin siya ng enough space at enough time para masolusyunan ang kakapusan natin mula sa kanin hanggang sa ating mga ulam!

[email protected]