
Sunshine, nakipagbardagulan sa hater
Hindi pinalampas ni Sunshine Dizon ang basher na tinawag siyang laos at ikinumpara pa siya kay Pinky Amador dahil sa kani-kanilang ongoing teleserye.
Napapanood si Sunshine sa “Pira-Pirasong Paraiso” ng ABS-CBN at TV5 habang si Pinky naman ay isa sa cast ng “Abot-Kamay na Pangarap” ng GMA-7.
Parehong napapanood sa afternoon slot ang mga nasabing serye.
Sa tweet ng isang basher ay sinabi niyang laos na si Sunshine mula nang lumipat sa ABS-CBN at mas sikat na sa kanya si Pinky.
“Mas sikat na si Pinky Amador >> >> Sunshine Dizon. Bwahahahaha…. mas pinag-uusapan ang karakter (sa lahat ng platforms) ng una kesa sa huli…. Poor Shine, nalaos talaga sya nung nagtry sya sa Ignacia. Bwahahahaha,” ang tweet ng netizen sa X (dating Twitter).
Nabasa naman ito ni Sunshine at sinagot niya nang bonggang-bongga ang basher.
Aniya ay masaya siya for Pinky at siya naman ay hindi na after pa sa fame.
“Im happy for Tita pinky. why are you wasting your time on me? diba nga laos na ko sabi mo. Not everyone in this business is after fame dear may taong tulad ko na wala ng gustong patunayan masaya na ako that im able to create beautiful characters and be part of beautiful stories,” bwelta ni Shine.
Sumagot pa ulit ang hater at sinabing, “Cut the crap about ‘not into fame’ dahil sa kalagayan ng entertainment industry, only simpletons will believe that reasoning. Bwahaha U need fame to be relevant. Kaya nga the prob is nilalaos ka nila jan sa ABS-CBN. Bwahahaa, di ka nila mahype kasi wala kang loveteam. Bwahaha.”
Tinawanan naman ng aktres ang komento.
“And you’re forgetting im already 40 why would i need a loveteam ano toh nag susumiksteen hahaha kaloka,” resbak ni Sunshine.
Marami naman ang nagtanggol kay Sunshine at sinabing napakagaling ng aktres at nakamarka na ang pangalan nito sa industriya bilang isang mahusay na artista.