
EA Guzman okay lang maging beki
“BaABALIK pa rin naman ako. Hindi ko isinasara ‘yung pinto.” Iyan ng sey ng aktor na si Edgar Allan Guzman matapos niyang mahinto sa pagganap ng ilang karakter bilang bading.
Sa panayam sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin nitong after ng isang role niya noong 2017 ay inihinto na niya muna ang pagtanggap ng mga beki roles sa showbiz.
“Noong 2017, Deadma Walking, after no’n, napansin ko parang nata-typecast ako. So sabi ko ‘pahinga lang saglit,'” anang aktor.
Gayunpaman, hindi niya isinasara ang kanyang sarili sa mga oportunidad sa naturang pagganap. “Ngayon ginagawa ko ‘yung Super Mamshie, and I’m looking forward na gumawa ulit po ng pelikula na kahit bading ako or teleserye man ‘yan, I’ll do it.”