Sunshine

Sunshine kinumpirma ang relasyon kay Atong

March 14, 2025 Vinia Vivar 201 views

Matapos kumpirmahin ng business tycoon na si Atong Ang ang relasyon nila ni Sunshine Cruz last December, sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post ang aktres ng larawan nilang dalawa na magkasama.

Sa larawang in-upload ni Sunshine sa kanyang Instagram Story last Thursday ay makikitang nasa chopper silang dalawa ni Atong, both smiling at the camera.

Wala nang caption na nilagay ang aktres pero masasabing isa na rin itong kumpirmasyon ng kanilang relasyon.

Matatandaan na late last year nang magsimulang ma-link sa isa’t isa sina Atong at Sunshine matapos silang makitang magkasama sa isang event.

Kasunod nito ay ang pagkalat ng ‘kissing video’ nila kaya naman lalong umingay na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Noong December 17, 2024 ay kinumpirma na mismo ni Atong na girlfriend niya si Sunshine sa pamamagitan ng isang programa online.

BELA BALIK-’PINAS FOR GOOD

Tuluyan na ngang iniwan ni Bela Padilla ang apartment niya sa London para manirahang muli sa Pilipinas.

Sa kanyang recent Instagram post ay makikita ang video na nag-eempake ang aktres ng kanyang mga gamit at inilalagay ito sa malaking box.

Sa caption ay ipinahayag niya na mami-miss niya ang kanyang bahay sa London.

“I fear the grief that will set in when i miss the woman who lived in this home in London,” ani Bela.

Sinuportahan naman ng netizens at kapwa-celebrities ang kanyang desisyon na magbalik na sa ‘Pinas.

“Trust me when I say you will ALWAYS have her,” komento ni KC Concepcion.

“Momsy,” reaksyon naman ng BFF niyang si Kim Chiu.

Apat na taon ding nanirahan si Bela sa London. Matatandaang umalis siya noong taong 2021 para subukan ang buhay sa nasabing bansa.

Hindi naman niya totally kinalimutan ang pag-aartista dahil from time to time ay gumagawa pa rin siya ng proyekto rito.

Nitong nakaraang January ay inanunsyo ni Bela sa kanyang IG na isinasara na niya ang chapter ng kanyang buhay sa London for a full-time career in the Philippines.

“I am temporarily closing this chapter as I prepare to work full time again,” pahayag ni Bela.

AUTHOR PROFILE