Sunog RAIN HELPS–Ang naganap na sunog na tumulong ang ulan para maapula sa Tondo, Maynila.

Sunog pinatay ng ulan

June 24, 2024 Jonjon Reyes 74 views

MALAKING tulong sa mga residente ng mapatay ng ulan ang apoy na tumupok sa mga kabahayan sa Antonio Rivera St. at Villaruel St., Tondo, Maynila noong Linggo.

Napag-alaman na 70 pamilya o 278 indibidwal ang nawalan ng bahay sa sunog.

Nagsimula ang sunog alas-9:21 ng gabi at agad inakyat sa unang alarma alas-9:25 dahil mga gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay.

Mabilis ang pagkalat ng apoy at naubusan rin ng tubig ang mga bumbero kaya umabot sa ikalawang alarma ang sunog makalipas lang ng walong minuto.

Sa kasagsagan ng paglaki ng apoy, bumuhos ang malakas na ulan kaya nagtulong-tulong ang mga residente na magsalok ng tubig mula sa buhos ng ulan sa mga alulod ng bahay at tubig na naiipon sa mga trapal sa mga tindahan.

Hindi sapat ang ulan kaya tumagal ang sunog ng tatlong oras. Naideklarang fire out ang sunog ala-1:32 ng madaling araw ng Lunes.

AUTHOR PROFILE