
Tumatakbong may boga, binaril, patay
PATAY ang lalaki matapos barilin ng miyembro ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District na sumita sa kanya sa Hallway Building 25, Permanent Housing, Brgy. 128, Zone 10, Tondo, Maynila noong Sabado.
Base sa report ni Police Corporal Jonenick Gueta, ang nakabaril sa suspek na si alyas Jody, 33, nakita niya na may commotion at ang suspek na tumatakbo at may dalang baril bandang alas-6:15 ng gabi.
Nang tanungin niya kung bakit siya may baril, tinutukan siya ng suspek at kinalabit ang baril pero hindi pumutok.
Doon na niya binaril ang suspek sa hallway ng gusali sa naturang lugar.
Isinugod ang suspek sa ospital at dakong alas-6:35 ng gabi ng ideklarang dead-on-arrival ni Dr. Kim Rondilla.