
‘Summer preview’
TILA kadikit na ng salitang “summer” ang hotness na dala ni Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith.
Napa-“oh my Roxie!” ang netizens sa grabehan na pagpapasabog ng kagandahan at nag-aapoy niyang kaseksihan ang beauty queen-actress sa isang Instagram post nito.
“Summer preview,” maikling caption niya.
Talagang sinabayan ng bebot ang papainit na papainit na panahon ng bansa. Abs pa lang niya, naglalagablab na sa pagka-rapsa.
Mala-anghel man ang kariktan ng bebot, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang two-piece pink bikini habang umaawra sa mga pose nito.
Talagang walang aayaw sa perpektong kurba ng beauty queen-actress. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage niya sa larawan.
Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na para bang may pang-aakit na dala-dala ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.
Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.