
Streetboys dance concert dinagsa ng mga batang 90s
NAGING malaking tagumpay ang kauna-unahang reunion dance concert ng `90s dance icons na Streetboys na ginanap sa New Frontier Theater in Quezon City last Friday evening, November 8, 2024 billed as “SB90s”.
Pinangunahan ng dalawa sa mga kilalang hosts ng noontime program na “It’s Showtime” na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, ang grupo ay kinabibilangan din nina Spencer Reyes, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Nicko Manalo at Sherwin Roux. The dance concert was beautifully directed by Paolo Valenciano and produced ng A-Team Production ni Ogie Alcasid who was present during the concert kasama ang kanyang wife na si Regine Velasquez. Dumalo rin sa nasabing dance concert ang mga kasamahan nina Vhong at Jhong sa “It’s Showtime” na sina Vice Ganda kasama ang kanyang longtime partner na si Ion Perez, Ryan Bang at iba pa. Namataan din namin sa audience ang isa sa top executives ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at iba pa. Nasa audience din ang partner ni Jhong na si Maia and their three-year-old daughter na si Sarina na aliw na aliw sa panoood sa dance concert ng grupo na kinabibilangan ng kanyang Papa (Jhong). Naroon din ang wife ni Vhong na si Tanya, his ex-wife na si Bianca Lapus at anak nilang si Yce Navarro maging ang isa pang anak ni Vhong sa ibang babae na si Frederick Vhong.
Maraming taon na ang nakalipas nang mabuwag ang Streetboys dance group para harapin ang kani-kanilang individual paths at buhay pero ang maganda sa grupo ay meron silang group chat kaya tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa.
Apat sa grupo ay naka-base na sa ibang bansa, sina Spencer at Michael (Scotland), Joseph (Dubai) at Sherwin (Canada). Although matagal nag-stay sa London at Singapore ang dating leader ng Streetboys na si Meynard, he opted na bumalik ng Pilipinas. Gayundin si Jhong na naging bahagi rin noon ng “Miss Saigon” tour in UK pero bumalik pa rin ito ng Pilipinas sa kabila ng pagkakaroon nito ng British wife na isang stage actress na si Michelle Westgate.
Jhong has a longtime partner na si Maia Azores and a three-year-old lovely and smart daughter na si Sarina Oceania.
Sa grupo, bukod-tanging si Jhong lamang ang pumasok sa larangan ng pulitika at tinapos din nito ang kanyang pag-aaral ng Politicial Science sa Arellano Unversity and took his master’s in Public Administration sa World Citi Colleges. Isa rin siyang mahusay na character actor and TV host.
Sa kabila ng paglipas ng maraming taon (na ang ilan sa kanila ay hindi na aktibo sa pagsasayaw), wala pa ring kupas ang grupo pagdating sa kanilang death-defying and electrifying moves sa dance floor, isang legasiya na kanilang iniwan sa mga bagong henerasyon ng mga male dancers.
During the finale ng dance concert kung saan isa-isa nang pinasalamatan ng Streetboys ang mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay, naging emotional ang members at saka nila tinawag ang kanilang manager of 31 years, ang respected veteran award-winning director na si Direk Chito Rono na hindi ring naiwasang mapaiyak sa ipinamalas ng grupo.
Ayon kay Vhong, sa loob ng 31 years ay wala umanong kontratang namamagitan sa kanila ng kanilang manager dahil naroon ang tiwala at respeto nila kay Direk Chito na siyang bumuo ng Streetboys in 1993.
“Mahigpit but very professional si Direk Chito at takot kami sa kanya,” pahayag naman ni Jhong.
Maraming batang `90s ang nasa audience at bawat tugtog at dance moves ng grupo ay kanilang tinitilian. Sa totoo lang, mas tumatatak pa nga sa Streetboys ang mga dance hits na kanilang pinasikat more than the original artists ng mga songs interpreted by the group.
Most of the dance hits na pinasikat ng legendary group na Streetboys nung `90s ay muli nilang sinayaw at binuhay sa kanilang very rare dance concert which include “True,” “Where’s The Love,” “Just Say Hey,” “Get Up! Go Insane,” “My Boo,” “Ecstacy Extano,” “Lick It,” “Macarena,” “Friends,” “The Sign,” “MMMbop,” “Arikingking king,” “Feel the Dance,” “Beautiful Life, “One Ne S’Aimera Plus Jamais” among others.
Ang hip-hop duo nung `90s na Legit Mitfitz ang nag-open ng dance concert ng Streetboys kung saan din nagkaroon ng special guest appearance sa isang showdown number with the group and dalawang popular members ng SB19 na sina Stell at Justin na nagsabing idol umano ng kanilang mga ina ang Streetboys.
Bukod sa successful reunion dance concert ng Streetboys sa Music Museum last Friday evening, ang A-Team Productions din ni Ogie Alcasid ang producer ng sold-out major concert ng Concert King na si Martin Nievera sa Big Dome last September 27, ang “Martin Nievera: King 4ever”.
Sa darating na November 30, 2024 at 8 pm ay ang music icon, singer-songwriter, actor-comedian,host, record and concert producer si Ogie Alcasid naman mismo ang magkakaroon ng concert sa New World Performing Arts Theater at the Newport World Resorts na pinamagatang “OGIEOKE 2: Reimagined” kung saan niya special guests ang hottest Nation Girl Group na BINI along with JM dela Cerna and Marielle Montellano.
Nasaan na ang mga 70s daring actors?
BALITANG throwback: Back in 1976 ay nagkasama-sama sa isang sexy flick ang mga yumaong actors na sina Ricky Belmonte, George Estregan at Orestes Ojeda kasama sina Ernie Garcia, Marlon Ramirez Daria Ramirez at Carmen Ronda sa isang pelikulang pinamagatang “Piknik” na dinirek ng yumaong si Joey Gosiengfiao which was produced by Larry Jao. At that time ay hindi pa uso ang may abs sa mga lalake at ang mahalaga lamang noon ay daring silang magsuot ng mga skimpy bikini tulad ng nasa larawan.
George Estregan( who was Jesus Jorge Marcelo Ejercito in real life) ay ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada (Ejercito) at ama ng mga actor na sina ER Ejercito at Kiko Estrada. Siya’y pumanaw sa edad na 49 nung August 2, 1988.
Si Ricky Belmonte (Jesus Velez Cruz) ay 53 years old nang pumanaw matapos itong ma-stroke nung October 3, 2001. Siya ang dating mister ng former Sampaguita star na si Rosemarie Sonora (na naka-base na sa Amerika). Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng tatlong anak na sina Renzo, ang actress na si Sheryl Cruz at ang US-based na si Patrick.
Si Orestes Ojeda naman ay hindi lamang actor kundi isa rin itong painter at entrepreneur. Siya’y sumakabilang buhay nung July 27, 2021 sa edad na 65 dahil sa pancreatic cancer.
Habang si Ernie Garcia ay aktibo pa rin sa kanyang singing and occasional acting career and a full time painter. Siya’y huling napanood sa longest-running and hit primetime action-drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Wala naman tayong balita ngayon sa actor na si Marlon Ramirez.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.