Default Thumbnail

State of calamity itinaas sa S. Cotabato dahil sa ‘fish kill’

February 16, 2023 Zaida I. Delos Reyes 225 views

DAHIL sa malawakang “fish kill,” isinailalim sa “state of calamity” ang South Cotabato dahilan upang maglaan ang mga opisyal ng Lake Sebu ng P1.5 million mula sa kanilang calamity fund upang gamitin bilang tulong pinansyal sa mga fish cage operators na apektado ng delubyo.

Ayon kay Robert Bagong, hepe ng Lake Sebu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang tulong pinansyal ay ibibigay lamang sa mga apektadong tilapia growers.

Aniya ang paglalaan ng pondo at nabigyang daan matapos aprubahan nitong Pebrero 13 ang rekomendasyon ng MDRRMO na magdeklara ng state of calamity dahil sa fish kill.

Ayon sa ulat nitong Enero 28, aabot sa 538 fish cage operators sa Lake Sebu ang naapektuhan ng fish kill.

“As of January 28, fish kill has affected 538 fish cage operators in Lake Sebu; the amount that they will be receiving will depend on the result of the damage assessment of the agriculture office,” pahayag ng opisyal.

Aniya ang deklarasyon ng state of calamity sa bayan ay kasunod ng naunang deklarasyon ng fish kill sa mga Barangay Poblacion, Bacdulong, at Tacunel.

Sinabi ni Mayor Floro Gandam, na fish kill ay sumira sa may P17 milyong halaga ng tilapia sa lawa.

Aniya, upang makabawi sa pagkalugi ay ikinukunsidera ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng moratorium sa mga fish cage.

“We might be implementing the moratorium. This is not easy, maybe (we) will do it gradually because we also have to consider the people of Lake Sebu as 70 percent of our population is dependent on the tilapia industry,” pahayag ng alkalde.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na ang fish kill ay dahil na rin sa dami umano ng fish cages sa lawa.