Bossvic

STAR NI BOSS VIC SA WALK OF FAME, LONG OVERDUE

March 7, 2024 Ian F. Fariñas 103 views

WELL deserved at long overdue ang pagkakaroon ng Viva boss na si Vic del Rosario ng sariling star sa Eastwood Walk of Fame na in-unveil kasama ang iba pang inductees noong March 6.

Bukod kasi sa pagiging starmaker/builder, itinuturing din ang Del Rosario patriarch bilang isa sa pillars ng industriya ng pelikula’t telebisyon.

Ilan lamang sa malalaking bituin na pinasikat niya sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Aga Muhlach, Andrew E at Vina Morales.

Matatandaan na isa rin ang Viva sa mga produksyon na hindi tumigil o sumuko sa pagbibigay ng trabaho sa mga taga-industriya noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Dito binuo ni Boss Vic, kasama ang mga anak na sina Vincent, Veronique at Val, ang streaming platform na Vivamax, Viva One, Studio Viva at iba pa.

Kaya hindi man artista, celebrity in his own right ang film produ dahil sa napakalaking papel na ginagampanan niya at ng kanyang pamilya sa pagtataguyod sa Philippine cinema.

Maliban kay Boss Vic, inductees din sa star-studded 18th Eastwood City Walk of Fame sina Atty. Felipe Gozon ng GMA-7, beauty queen Michelle Dee, Belle Mariano, Donny Pangilinan, Richard Yap, Lhar Santiago, Sanya Lopez at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE