Garcia Gov Joet Garcia

Sports ilalayo kabataan sa bisyo — Gov. Garcia

April 23, 2024 Christian D. Supnad 85 views
Lachica
Engr Jhun Lachica

DINALUPIHAN, Bataan — Pinapurihan ni Gov. Joet S Garcia ang mga kabataan, partikular na mga miyembro ng Siklab Bataan, dahil sa kanilang sports activities na naglalayo sa mga kabataan sa masamang bisyo.

Sa isang seremonya sa pagtataas ng bandila noong Lunes na pinangunahan ng mga kawani ng Jose C. Payumo Kr. Memorial Hospital, binigyang pagkilala ni Gov. Garcia ang Siklab Bataan, isang samahan ng mga mag-aaral sa Lalawigan na layong mailayo sa iba’t ibang bisyo ang mga kabataan sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball, matapos maging kampeon sa katatapos na Asia Global Youth Basketball Championship 14U. Binati rin niya si Aeron Sumiquiab na tinanghal bilang MVP sa nasabing paligsahan.

Nauna nito, nag-sponsor din si Engr. Jhun Retuta Lachica sa mga kabataan sa Orion ng basketball at fun run upang aniya mailayo sila sa mga masasamang bisyo at magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Tinaguriang Pilantropo dahil sa pagiging matulungin nito sa mga mahihirap, si Engr Lachica na taga barangay Gen. Lim, ay nagtatrabaho sa Dubai sa isang malaking British na kompanya.

“Binati at nagpasalamat naman po tayo sa isinagawang outreach program ng ating mga kasamahan na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Abril,” ani Garcia.

Sinabi niya na siya ay natutuwa na makita ang mga ganitong inisyatibo ng mga kasamahan upang makatulong sa mga kababayang higit na nangangailangan.

“Kinuha rin po ng inyong lingkod ang magandang pagkakataong ito upang ibahagi ang Bisita Bayan 1st quarter Assessment kung saan marami po sa ating mga kababayan ang nakikiisa sa ating mga programa lalo na sa Community-Based Monitoring System, PhilHealth Konsulta Package, at pagbubukas ng kanilang Landbank PISO Account,” dagdag ng gobernador.