Solenn isinilang ang pangalawang anak bago mag-Pasko

January 3, 2023 Aster Amoyo 334 views

Solenn1Solenn2

MASAYA ang Christmas at New Year celebration ng mag-asawang Solenn Heussaff and Nico Bolzico with their three-year-old daughter na si Tili (Thylane Katana) dahil bago mag-Pasko ay isinilang ang kanilang second daughter na si Baby Boltz (with Lionel as second name) last December 16, 2022 bago ang kaarawan ng kanilang panganay na si Tili on January 1.

“Thanks for all the blessings 2022! 2023 we are ready for you!” pagbabahagi ng Argentinian businessman husband ni Solenn sa kanyang Instagram account

Hindi rin nakalimot si Nico na batiin ang kanilang panganay na si Tili on her second birthday on New Year’s day.

“Happy Birthday to our first love! Your 2022 was pretty full :)!”

“All#ElPadre wants for you is:

To be a good person

To be yourself

To be happy

and the most important

To be single!

Love you more than you can imagine!” mensahe ng mister ni Solenn.

“My forever little girl! My life mission is sfor you, your sister and your mum, to have a great life!” Solenn, a Filipina-French singer, actress, host, celebrity endorser and entrepreneur met her Argentinian businessman husband in 2011 and start dating afterwards. They were in a relationship for almost five years bago sila nagpakasal nung May 21, 2016 sa Paris, France.

Although nagmula sa magkaibang bansa at kultura, magkasundung- magkasundo ang dalawa laluna ang pagpapalaki sa kanilang panganay na si Tili (Thylane) and now their newly-born baby girl na si Baby Boltz.

Gaano mang ka-busy ang mag-asawa sa kanilang respective work and career, they make it a point na magkasama sila during breakfast and dinner and make time not only for each other kundi laluna na sa kanilang panganay at sa bagong silang na baby.

“Tili is now an ate,” pahayag ni Nico.

Si Solenn ay nakatatandang kapatid ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff. They have an elder sister na si Vanessa.

Sina Erwan at Anne ay meron na rin more than two-year-old daughter na si Dahlia Amelie, turning 3 on March 2.

OgieOgie1

Ogie, Regine nagdiwangf ng 12th wedding anniversary

OPM King, singer, actor-comedian, host and entrepreneur Ogie Alcasid and wife, Asia’s Songbird, singer, actress, host Regine Velasquez celebrated their 12th wedding anniversary last December 22, 2022. The celebrity couple got married in Terrazas de Punta Fuego in Nasugbu, Batangas with Regine wedding a strapless red gown by Monique Lhuiller habang ang grey suit ni Ogie ay gawa naman ni Randy Ortiz. The couple has an 11-year old son na si Nate (Nathaniel James Velasquez Alcasid) whose birthday is November 8, 2011 habang may two grown- up daughters naman si Ogie sa kanyang unang wife, ang dating Miss Australia- Universe-turned actress-TV host (in the Philippines) na si Michelle van Eimeren na sina Leila at Sarah.

Michelle has also remarried to an Australian guy na si Mark Murrow and the couple remain close to Ogie and Regine and their son Nate.

Nauwi man sa hiwalayan ang unang marriage ni Ogie (kay Michelle), walang pinagsisisihan ang singer-songwriter, actor-comedian, host and OPM icon dahil bukod sa nagkaroon sila ng dalawang magagandang anak, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan ng kanyang ex-wife na very close din sa kanyang present wife na si Regine at sa kanilang anak na si Nate.

Whenever Ogie and Regine have free time, they fly to Australia to visit Michelle and her husband Mark with Ogie’s daughter (with Michelle) na si Sarah na naka-base sa Australia. Kapag sina Michelle and Mark ang may oras, sila ang bumibisita ng Maynila with daughter Sarah. There are also times na sa ibang bansa sila nagmi-meet-up for a family reunion.

Ang mag-asawang Ogie at Regine ay napapanood araw-araw sa telebisyon.

Si Ogie ay isa sa mga regular hosts ng ABS-CBN noontime program na “It’s Showtime” (from Monday through Saturday) habang si Regine naman ay may daily morning show, ang “Magandang Buhay” with Jolina Magdangal and Melai Cantiveros (Monday through Friday) at kapag araw naman ng Linggo ay magkasama ang mag-asawa sa Sunday musical-variety show na “ASAP Natin `To”.

Kung umabot ng 12 years ang pagsasama nina Ogie at first wife niyang si Michelle, nakaka-12 years na rin ang marriage ni Ogie with his second wife na si Regine na inaasahan niyang panghabang-buhay na.

CesarSunshineCesar1

Cesar kasama ang present at ex nag-celebrate ng New Year sa Bohol

NAKATUTUWA na maganda na ang relasyon ngayon ng dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz gayundin ang kanilang tatlong anak na sina Angelina, Samantha at Franchesca maging ang mag-amang Cesar at Diego Loyzaga maging sa present partner ngayon ng actor-director-producer at painter na si Kath Angeles at tatlo nilang anak na sama-samang sinalubong ang Bagong Taon sa Virgin Island, Panglao Beach in Bohol na siyang hometown ni Cesar.

Matagal-tagal ding panahong hindi nakabalik si Sunshine sa lugar ng kanyang dating mister magmula nang sila’y magkahiwalay nung 2013. Annulled na ang kasal ng dating mag-asawa nung 2018 kaya libre na ang dalawa na magpakasal sa ibang partner kung nanaisin nila.

It was in August last year sa birthday celebration ng anak nina Cesar at Sunshine na si Samantha unang nakitang magkakasama ang maituturing na modern and blended family. At that time ay kasama pa ni Sunshine ang kanyang ex-boyfriendf na si Macky Mathay. Muling nakitang magkasama sa isang okasyon sina Cesar at Sunshine sa kaarawan naman ng kanilang panganay na si Angelina last September but this time ay tila wala na sina Sunshine at Macky.

Sa ika-60 birthday ni Cesar nung August 1, 2022, ito bale ang itinuturing niyang happiest birthday ever dahil kumpleto ang kanyang mga anak including his eldest daughter na si Angela sa kanyang namayapang unang misis maging ang isa pa niyang anak na si Coco (Corinth Ian), 6, sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.

It was Cesar and his present partner na si Kath ang nag-host ng kanilang reunion trip in Bohol (except Diego na wala sa nasabing okasyon).

Masaya rin ang singer-actress na si Sunshine dahil bukod sa magkaibigan silang muli ng dating mister ay okey rin sila ng present partner nito ngayon na si Kath maging ang kanilang tatlong anak.

Magkaibigan din sina Sunshine at ina ni Diego na isa ring singer-actress na si Teresa Loyzaga.

Natutuwa rin si Sunshine na close ang kanyang tatlong anak sa kanilang half-siblings (sa father side).

Since magkaibigang muli ang dating mag-asawang Cesar at Sunshine, hindi na sigurong mahirap pagsamahin ang dalawa sa siang proyekto either sa telebisyon o pelikula.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE