Heart

Xian, certified dakilang figure skater

January 3, 2023 Ian F. Fariñas 198 views

Nagpasilip na ang GMA sa upcoming show nina Ashley Ortega at Xian Lim na Hearts on Ice.

Makikita sa teaser na ibinahagi ng Kapuso Network noong December 24, ang chemistry ng Sparkle stars maging ang kanilang husay sa pag-ice skating.

Ilang taon na ring award-winning at professional figure skater si Ashley.

Todo-puri naman siya sa kanyang leading man na si Xian na sobrang dedicated daw sa kanilang training.

“Nakipagsabayan talaga si Xian. I hope people can appreciate his efforts also kasi ang galing na niya. Isa na siyang dakilang figure skater kasi nag-pass na rin siya ng first level sa figure skating,” saad ng aktres sa isang interview.

Samahan ang mga karakter nina Ashley at Xian sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Abangan ang Hearts on Ice this March 2023 sa GMA-7.

Herlene, may malaking transformation

Humanda nang mabighani at mas lalong mapamahal kay Herlene Budol sa kanyang unang GMA series na Magandang Dilag.

Sa teaser na pinost ng Kapuso Network, makikita ang beautiful transformation ni Herlene sa serye. Magiging palaban din ang kanyang karakter matapos lokohin ng minamahal.

Makakasama ni Herlene sa programa sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Bianca Manalo, Chanda Romero, Sandy Andolong at marami pang iba.

Abangan ang feel-good at inspiring na kuwento ng Magandang Dilag simula February 27 sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE