Sofia kasal na kay Daniel?

March 15, 2025 Aster Amoyo 297 views

Sofia1PicMARAMI ang naintriga sa sagot ng Kapamilya actress na si Sofia Andres sa isang fan na sinabi nitong , “Wait, who said I am not married?”

Magmula nang isilang ni Sofia ang daughter nilang si Zoe Miranda ng kanyang longtime partner na si Daniel Miranda, ang guwapong race car driver na scion ng mga Lhuillier ng Cebu City, marami na ang nag-wish na sana’y mauwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa lalupa’t kasal na ang brother ni Daniel na si Enrique Miranda sa elder sister ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan na ikinasal sa isang Filipiniana-themed wedding na ginanap sa Puerta Real Gardens in Intramuros, Manila nung December 8, 2023.

Sina Sofia at Daniel ay nagkakilala sa isang club sa The Fort in BGC nung 2017. Sofia was with her friends habang kasama naman ni Daniel ang pinsan niya at ilang kaibigan. Nang mapadaan si Sofia sa harapan ni Daniel ay agad nabighani ang binata sa dalaga. Since mahiyain si Daniel, it was his cousin who approached Sofia and they had a picture together. Daniel even offered Sofia water sa halip na drinks na ikinagulat ng dalaga and find him kakaiba. That broke the ice. Nagkakuwentuhan hanggang makuha ni Daniel ang number ng aktres. The next day ay nag-text ang binata kay Sofia na naging simula ng kanilang constant communication.

Ginulat ni Sofia ang lahat when she gave birth to her daughter Zoe on November 24, 2019 sa Sydney, Australia. She was 20 when she became pregnant at 21 naman siya nang isilang ang baby nila ni Daniel. Pagbalik nila ng Pilipinas ay doon nila hinarap ang lahat and started living as a family.

Parehong hands-on parents sina Sofia at Daniel kay Zoe Natalia, now five years old. The couple both adore their daughter who will be six years old on November 24.

Si Sofia ay produkto ng isang broken family. She and her two brothers were raised by their mom na si Monette na isang painter at interior designer. She was just three years old in 2001 when she started doing auditions for TV commercials hanggang mapasok niya eventually ang showbiz. First TV series niya ang “Princess and I” na pinagbidahan ni Kathryn Bernardo kasama sina Daniel Padilla, Enrique Gil at Khalil Ramos. Kasama rin siya sa first movie nina Kathryn at Daniel, ang “She’s Dating the Gangster” kung saan nagsimula ang pagkakaibigan nila nina Kathryn at Daniel. Nang maging boyfriend na ni Sofia si Daniel Miranda ay naging close din ito sa dating magkasintahang Kathryn at Daniel Padilla.

Bago nakilala ni Sofia si Daniel Miranda ay naging boyfriend niya ang actor na si Diego Loyzaga.

In fairness to Sofia and Daniel, marami ang nagsabi noon na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil pareho pa silang mga bata nang sila’y maging young parents. But they proved their naysayers wrong. Eight years na this year ang relasyon ng dalawa.

Kung tutuusin, hindi na kailangang magtrabaho pa si Sofia bilang actress dahil kayang-kaya naman siyang buhayin ng kanyang partner na si Daniel. Pero passion ng aktres ang pag-arte at suportado naman siya ni Daniel sa kanyang propesyon. Ang isa pang talent na na-discover ni Sofia ay ang pagiging isang painter na kanyang minana sa kanyang inang si Monette. When she’s not busy, she finds time to paint.

Ruffa at ex-husband na si Yilmaz may communication na uli

RuffaRuffa1RUFFA Gutierrez is now on speaking terms with her Turkish businessman ex-husband na si Yilmaz Bektas, the father of her two lovely grown-up daughters na sina Lorin Gabriella (21) and Venice (20). Katunayan, inimbitahan umano siya ng kanyang dating mister na mag-tour ng Europe via train. Ang buong akala pa nga ng actress-host at celebrity endorser na nagbibiro lamang si Yilmaz kundi seryoso pala ito.

Ngayong bukas na ang communication ng dating mag-asawa ay nagbibigay na umano si Yilmaz ng financial support para sa kanyang dalawang anak na ina-appreciate naman ni Ruffa who wishes her ex-husband well and success. Ang tagumpay ni Yilmaz ay tagumpay din umano ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice. Balak din daw ni Yilmaz na muling pumunta ng Pilipinas para makita siya at ang kanilang mga anak.

Ruffa is currently in a relationship with actor-comedian and politician na si Herbert `Bistek’ Bautista pero low key lamang ang kanilang relasyon.

ABS-CBN Ball 2025 handang-handa na

BallBall1Ball2Ball3Ball4BRIGHTER Together,” ito ang tema ng The ABS-CBN Ball 2025 na magaganap sa darating na April 4, 2025. Part of the proceeds ng nasabing star-studded event ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation na patuloy na tumutulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Taun-taun ay inaabangan ang malaking event na ito ng ABS-CBN na dinadaluhan ng mga stars and artists, loveteams, top executives and employees, directors and writers and production people ng Kapamilya company and the industry stakeholders.

Ang naturang event ay pinaghahandaan din ng mga dadalo in terms sa kanilang mga kasuotan na inaasahang nakatakdang muling mag-shine sa ABS-CBN red carpet na live na mapapanood via live streaming on ABS-CBN YouTube channel, iWant TFC and TFC-IPTV with replays on Kapamilya channel, Metro Channel at TFC-IPTV on April 6.

Sino kaya ang tatanghaling Best Dressed (male and female) and Couple of the Night at iba pang special awards?

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE