Posas

Snatcher sa Binondo, Tondo game over sa Oplan Galugad

September 22, 2023 Jonjon Reyes 188 views

TAPOS ang maliligayang araw ng isang suspek sa snatching matapos matimbog ng mga operatiba ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station-7.

Nakilala ang suspek na si Leonard Sotero 22, at sinasabing kilabot na miyembro ng Sigue-Sigue at Sputnik Gang at residente ng Lico St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, station commander ng Jose Abad Santos, natimbog ang suspek nang masita dahil sa paglabag sa ordinansa na half naked sa kanilang lugar

Umalma pa ang suspek nang masita sa Oplan Galugad pero nasakote rin kasunod ng pagkakumpiska ng balisong sa bulsa ng suspek.

Agad na dinala ang suspek sa presinto na kung saan sumailalim ito sa imbestigasyon.

Nabatid na positibo ang suspek sa ilang insidente ng robbery- snatching sa ilang lugar sa Maynila, partikular sa Binondo, Sampaloc at Tondo.

Matatandaan na direktiba ni MPD director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang pinaigting na hakbang konta kriminalidad sa pamamagitan ng striktong pagpapatupad ng ordinansa at batas sa bawat Oplan Galugad.

AUTHOR PROFILE