SM Naghahanda ang mga representatives ng SM Foundation at Philippine Navy upang ipamahagi ang mga hand soaps.

SM Foundation nakipagkaisa sa pagbabahagi ng hygiene soaps

July 3, 2023 People's Tonight 261 views

NAGKAISA kamakailan ang SM Foundation, Inc. (SMFI) at Reckitt Benckiser Healthcare (Philippines) Inc. sa pamamagitan ni Victoria Wieneke, ang pangulo ng Kabisig ng Kalahi (KnK), upang mag-donate ng aabot sa 13,000 hand soaps. Ito ay para matulungan ang iba’t ibang komunidad na magkaroon ng ligtas at malinis na kapaligiran.

Ibinahagi ito ng SMFI sa iba’t ibang benepisyaryo, kabilang ang mga pasyente sa nakalipas na medical mission sa SM City Dasmariñas, mga health worker ng Brgy. Canlalay Health Station sa Biñan, Laguna, Opisina ng Chief Surgeon ng Philippine Navy, mga magsasaka ng KSK-SAP sa Brgy. Inarawan, Antipolo, Rizal, at mga mag-aaral at guro ng Balatong Elementary School.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama para sa kabutihan ng lipunan na ito, nananatiling nagtataguyod ng SMFI at ang kanilang mga kasama ng pag-aalaga sa iba’t ibang komunidad sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE