Sixto

Sixto napaka-sweet sa lolang nag-birthday

March 10, 2025 Jun Nardo 178 views

SWEET na sweet ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto nang bigyan niya ng flowers ang lola niya sa nakaraang birthday celebration nito.

Ipinakita ni Yan ang video sa kanyang Facebook account.

Sa hiwalay na post sa kanyang FB, bahagi ng mensahe ni Yan sa nanay niya ay, “Thank you for being our rock and our greatest supporter. Wishing you a year filled with health, happiness and cherished moments. We love you so much Nanay!”

Happy, happy birthday to Marian’s Nanay!

OUTREACH/FEEDING PROGRAM AT BONDING

GINANAP ang outreach/feeding program at bonding na rin ng Multi Media Press Society last Saturday and Sunday sa Bayan-Bayanan, Orani, Bataan at segue sa Marman Villa and Beach Resort sa Morong, Bataan.

Mahigit 100 ang kids at families na member ng Indigenous People (IP) ang tuwang-tuwa sa inhandog naming pagkain, laruan, bigas at iba pang goods.

Sa Marman Villa and Resort kami tumuloy after na talaga namang napakaganda at beachfront, huh! Of course, dahil sa project chairwoman na si Rose Garcia, eh, nakapag-check-in kami sa sosyal na lugar.

Pero nu’ng gabi na, nagulat kami sa nakita naming babae na showbiz din at naging malapit sa puso ni Mother Lily Monteverde at ngayon ay kay Coco Martin. Caretaker pala siya ng resort!

Siya ay walang iba kundi si Leah Calmerin, na tumatakbo palang mayor sa Morong. May property sila sa Morong at bahay kaya qualified siyang kumandidato.

Mabigat ang kalaban ni Leah pero may mga nagsabi naman sa kanya ng suporta. Sa ganitong pagkakataon,nami-miss ni Leah si Mother Lily, na kahit love-hate ang naging relasyon nila, eh, nananatili pa rin ang pagmamahal at respeto niya sa yumaong Regal matriarch.

Good luck , Leah and salamat!

AUTHOR PROFILE