Default Thumbnail

Sikyu binoga ng kapwa sikyu tigok sa San Mateo

October 31, 2023 Jojo C. Magsombol 235 views

DEAD on the spot noong Sabado ang isang security guard matapos barilin ng kapwa sikyu sa isang alitan sa loob ng Traveo Subdivision Project Construction Site, sa Bgy. Guitnang Bayan 2, San Mateo, Rizal.

Ayon sa San Mateo police town ang biktima y nakilalang isang 20 taong gulang na security guard.

Ang suspek ay ay nakilalang isang alyas Mark na isa ring sikyu ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril patungo sa di malamang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon bandang alas-8:30 ng gabi ng Oktubre 28, 2023, ang biktima at ang suspek ay mga security guard ng Onerove LJCMS Security Agency at nakatalaga sa Traveo Subdivision Project construction site.

Ayon sa mga saksi na sina Mark Tappa y Nadora at Mark Ignacio y Sibal ang dalawa sa di malamang dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo at kinalaunan ay nagsuntukan.

Matapos ang kanilang away, nagtungo ang suspek sa kanyang barracks, kumuha ng shotgun at binaril ng dalawang beses sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Agad namang nagsagawa ng dragnet at follow up operations ang San Mateo MPS para sa posibleng pagkaka-aresto sa suspek.

Ang Rizal Scene of the Crime Operatives (SOCO) technicians ay patuloy ang ginagawang teknikal na imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE