Jose

Sikat na prank show, ipinamana ni Joey kina Jose at Wally

August 18, 2023 Vinia Vivar 303 views

Sina Dabarkads Jose Manalo and Wally Bayola ang nagmana ng longest-running at multi-awareded hit prank show ni Joey de Leon sa TV5 na “Wow Mali” na matatandaang nagsimulang mapanood noong 1996.

Ngayon ay “Wow Mali: Doble Tama” na ang titulo nito na iho-host ng wackiest comedy duo co-produced by APT Entertainment and Cignal TV for TV5.

Sa mediacon kahapon para sa nasabing show, ikinuwento ni Jose na pandemic pa nang i-offer sa kanila ng APT Entertainment ang programa.

“Siyempre, oo agad kami. Kaya lang, sabi namin, kailangan, ‘alam ba ni Tito Joey ‘to?’. ‘Yun agad ang tanong namin bago namin tanggapin ‘to. Pero siyempre, tatanggapin namin, 20 years tumakbo ‘to. Kaya sabi namin, magpapasintabi lang,” ani Jose.

Nang kausapin nila si Joey ay umokey daw agad ito.

“Umokey naman si Boss Joey at sinabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okey ako.’ Salamat, Boss Joey,” sey pa ni Jose.

In a separate interview after the Q&A ay natanong kay Wally kung ano na ang update sa naging pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa producers ng “E.A.T.” dahil nga sa naging pagmumura ng komedyante sa isang live episode said noontime show.

“May pag-uusap po ang MTRCB sa production at siyempre, hindi po ako puwedeng magbigay ng salaysay at I want to keep it private muna kasi nga, ongoing pa ‘yung pag-uusap,” sey ni Wally.

Matatandaang humingi na ng paumanhin publicly si Wally hinggil sa nagawang kamalian at aniya ay willing siyang gawin ang anumang pwede pang gawin para maayos ito.

Para naman kay Jose, tama lang na humingi ng paumanhin si Wally at hindi na pinagtagal pa.

“Huwag nang patagalin. Ke kasalanan mo ke hindi, mag-sorry tayo, wala namang masama, eh. Hindi nakakabawas ng pagkatao ‘yung pagso-sorry,” sey ni Jose.

“The more na nagpapakumbaba ka, the more na mas maganda ‘yung ginagawa mo. Hindi mo kailangang magmataas dahil isa lang ang nasa itaas at isa lang ang Superstar,” dagdag pa niya.

Samantala, magsisimula na ang “Wow Mali: Doble Tama” sa August 26, 6:15 p.m., sa TV5 at mapapanood every Saturday with same-day airing, 7:00 p.m., sa BuKo Channel.

AUTHOR PROFILE