TitoSen

Sigaw ni Tito Sen sa pagkakakansela ng kanyang pagtestigo: I was prevented from testifying by the TAPE/GMA lawyers

August 1, 2023 Vinia Vivar 464 views

Sinagot ni dating Senate President Tito Sotto ang balitang hindi siya nakapag-sumite ng judicial affidavit kaya nakansela ang second hearing ng kasong copyright infringement and unfair competition na isinampa nila nina Vic Sotto, Joey de Leon at Jeny Ferre laban sa TAPE, Inc. (producer ng ‘Eat Bulaga’) at GMA-7.

Nitong Lunes nakatakda ang 2nd hearing ng kaso sa Marikina Regional Trial Court at si Tito Sen sana ang uupo bilang testigo pero hindi ito natuloy matapos umanong mag-object ang abogado ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque at legal counsel ng GMA network na si Atty. Eric Vincent Estoesta dahil walang isinumiteng judicial affidavit ang TV host.

Ayon sa ulat, may court order ang Marikina trial court noong July 14 na nagsasaad na lahat ng partido ay kinakailangang mag-file ng judicial affidavits ng mga saksi kaugnay ng injunction case tatlong araw bago ang Hulyo 27 na siyang first hearing.

Subalit ang judicial affidavits lang umano nina Joey at Jeny ang nai-submit sa korte.

Dahil dito, na-waive umano ang pag-upo ni Tito Sen bilang testigo pero binigyan siya ng tatlong araw na palugit para magsumite ng judicial affidavit at pinagmulta ng P5,000 dahil sa pagpalya na magsumite ng nasabing dokumento sa tamang oras.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ngayong Martes, itinanggi ni Tito Sen ang balitang hindi siya nakapag-submit ng judicial affidavit sa tamang oras.

“I was prevented from testifying by the tape/gma lawyers wanting a separate judicial affidavit when in fact we had a submitted affidavit weeks ago. Yun ang totoo!” paglilinaw ni Tito Sen.

AUTHOR PROFILE