Default Thumbnail

Si Nanay ang aming Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran

September 3, 2022 Magi Gunigundo 1876 views

Magi GunigundoHinatid ng aming pamilya,kamag- anak at mga kaibigan , ang aming Nanay Sylvia Tanjuan Gunigundo, 87 años, ang Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng aming mga buhay, sa kanyang himlayan noon Agosto 30,2022.

Taos pusong pasasalamat salahat ng nakiramay, nagpadala ng bulaklak, pagkain, pamatid uhaw,abuloy, at mga nag-alay ng panalangin lalo na sa pamunuan ng Fullness of Christ International Ministries. Pinagbuti ng aking Nanay ang pakikipaglaban, natapos na niya ang dapat niyang takbuhin, at siya’y nanatiling tapat sa pananampalataya.

Naniniwala kami na nakamtan na ng aking Nanay ang pangakong korona na nakalaan sa matuwid( 2 Timothy 4:7). Maliwanag din sa amin ang kahulugan sa wikang Latin ng “Non Omnis Moriar”  hindi lubusan mamamatay ang aming Nanay sapagkat ang kanyang DNA ay siya rin DNA ng kanyang mga anak at mga apo.

Noon huling lamay, ang aking Tatay ay bumigkas ng isang tula na pinamagatan “Funeral Blues” na sinulat ni W.H. Auden noon 1930. Pagkaraan ng orihinal sa Ingles, sinikap kong isalin sa Filipino ang tula. Ang mensahe ng tula ay nagsasaysay ng nararamdaman ng aking Tatay sa pagpanaw ng kanyang nag-iisang Mahal hanggang sa dulo ng walang hanggan , at Nanay ng aming pamilya.

Funeral Blues

Stop all the clocks, cut off the telephone,
Prevent the dog from barking with a juicy bone,
Silence the pianos and with muffled drum
Bring out the coffin, let the mourners come.

Let aeroplanes circle moaning overhead
Scribbling on the sky the message (S)He Is Dead.
Put crepe bows round the white necks of public doves,
Let the traffic policemen wear black cotton gloves.

(S)He was my North, my South, my East and West.
My working week and my Sunday rest,
My noon, my midnight, my talk, my song;
I thought that love would last forever; I was wrong.

The stars are not wanted now: put out every one;
Pack up the moon and dismantle the sun;
Pour away the ocean and sweep up the wood;
For nothing now can ever come to any good.

Itigil ang lahat ng orasan, putulin ang telepono,

Pigilan ang aso na tumahol gamit ang isang makatas na buto,

Patahimikin ang mga piano,at gamit ang pinipingtambol

Ilabas ang kabaong, hayaang dumating ang mga nagdadalamhati.

Hayaang umikot ang mga eroplano na umuungol sa himpapawid

At isulat sa langit ang mensaheng “Patay na siya.”

Isuot ang itim na laso na yari sa “crepe” sa mga puting leeg ng mga pampublikong kalapati,

Hayaang magsuot ng itim na guwantes na yari sabulak ang mga pulis trapiko.

Siya ang aking Hilaga, aking Timog, aking Silangan at Kanluran.

Ang linggo ng trabaho ko at ang pahinga ko sa Linggo,

Aking tanghali, aking hatinggabi, aking pananalita, aking awit;

Akala ko ang pag-ibig ay mananatili magpakailanman; Ako ay nagkamali.

Ang mga bituin ay hindi ko na kailangan ngayon,

pundihin ang tala ng bawat isa;

Iligpit ang buwan at lansagin ang araw;

Ibuhos ang karagatan at walisin ang kahoy;

Sapagkat wala nang makakamit ngayon naanumang kabutihan.

AUTHOR PROFILE