
SHS graduates
NAKALULUNGKOT at nakadidasmaya naman ang lunabas na balitang iilan lang sa mga nagtatapos ng senior high school (SHS) sa bansa ang nakapapasok sa trabaho.
Mismong ang Department of Eduation (DepEd) ang nag-anunsyo na sampung percent lang sa graduates ng SHS ang nagtatrabaho taliwas sa expekstasyon ng marami.
Ang totoo niyan ay kesa magtrabaho, karamihan sa mga tapos ng SHS ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Kasi alam nilang mahihirapan silang makakuha ng maganda-gandang trabaho sa pribadong sektor pati na sa gobyerno kung hindi sila tapos ng kolehiyo o unibersidad.
Ang isa pang problema ng maraming SHS graduates ay gustuhin man nilang makapag-aral sa kolehiyo ay hindi puwede dahil sa “extreme poverty” ng kanilang mga magulang.
Kaya tama ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) nang manawagan ito sa business sector “to hire more senior high school graduates.”
Binuo noon pang 1941, ang CEAP ang siyang pinakamalaking organisasyon ng mga Catholic educational institutions sa bansa, with 1,484 member-schools.
Ayon kay CEAP Executive Director Jose Allan Arellano, ang isa sa susi para makapasok sa trabaho ang mga SHS graduates ay bigyan sila ng “proper training” habang nag-aaral sa haiskul.
Sinabi pa ng opisyal ng CEAP na in hiring new personnel, ang mga may-ari ng business establishments “tend to get the one with better skills and educational bckground.”