Palacios2

Sheynnis Palacios ng Nicaragua waging Miss Universe 2023

November 19, 2023 Aster Amoyo 257 views

PalaciosPalacios1Palacios3ANG kinatawan ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang kinoronahang 72nd Miss Universe na ginanap sa Jose Adolfo Arena ng San Salvador, El Salvador nung November 18 ng gabi (umaga ng November 19 sa Pilipinas). Ito ang unang pagkakataon na nasungkit ng Nicaragua ang Miss Universe crown although limang beses na silang nakapasok sa semi-finals including this year.

Tiyak na masayang-masaya ang mga Nicaraguan na pinamumunuan ng kanilang 78-year-old President Jose Daniel Ortega Saavedra sa pagkakapanalo ni Sheyniss Palacios as their very first Miss Universe titleholder.

Si Sheynnis ay unang sumali sa Miss Teen in Nicaragua at sumali sa Teen Universe competition in Managua, Nicaragua in 2017 kung saan siya pumasok sa Top 10. Nung May 16, 2020, siya naman ang nanalo ng titulo bilang Miss World Nicaragua at naging kinatawan ng Miss World on same year na ginanap sa Puerto Rico kung saan siya pumasok sa Top 40. Ang nanalong Miss World that year ay si Karolina Bielauska ng Poland. At nitong August 2023 naman ay siya ang tinanghal na Miss Universe Nicaragua at siyang representative ng kanyang bansa sa 2023 Miss Universe sa El Salvador.

Si Sheynnis ay nagtapos ng Mass Communication sa Universidad Centroamericana where she was a varsity player in volleyball.

Samantala, ang 1st runner-up ng 2023 Miss Universe ay si Moraya Wilson ng Australia at si Anntonia Porsild ng Thailand ang 2nd runner-up or third placer.

Ang TV personality na si Jenny Mai at and 2012 Miss Universe na si Olivia Culpo kasama si Maria Menounos ang tumayong hosts with 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at Zuri Hall as backstage hosts. Ang American hitmaker, singer-songwriter, record producer and actor na si John Legend ang kumanta ng “Wonder Woman” bago pa man i-announce ang 72nd Miss Universe na si Shynnis Palacios.

Michelle pasok sa Top 10, Pinoy pride pa rin

DeeDee1Dee2ANG kinatawan ng Pilipinas na si Michelle Dee ay pumasok lamang sa Top 10 among the 84 candidates but she did a good fight pero hindi na siya pinalad na makapasok sa Top 5 and eventually sa Top 3.

Disappointed man sa hindi niya pagkakapanalo, proud sa kanyang performance ang kanyang mga kababayan from all over the world maging ang kanyang mom, ang 1979 Miss International na si Melanie Marquez, stepdad, ang American lawyer na si Adam Laywer, half-sibling na si Abraham Lawyer who flew all the way to El Salvador para magbigay ng suporta sa kanya.

Hindi na rin siguro nakakapanghinayang ang dalawang titulo ni Michelle, ang Miss World Philippines 2019 at Miss Universe Philippines 2023.

Sa kanyang pagbabalik sa bansa ay haharapin naman ni Michelle ang kanyang acting job sa bakuran ng Kapuso network. Siya’y nasa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X (formerly Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE