Sharon

Shawie natatawa sa abilidad ng Pinoy na gawing 8 ang 4 lanes

October 28, 2023 People's Tonight 299 views

IKINAGALIT ng Megastar na si Sharon Cuneta ang napakahabang traffic na kanyang naranasan sa isang highway sa Metro Manila.

“Nakakainis ang traffic sa Metro-Manila pero tawa ako ng tawa kasi yung four lanes nagagawa ng Pinoy na eight. haaaayyy Pilipinas kong mahal!” caption ng singer-actress sa kanyang Instagram post, Huwebes, Oktubre 26.

Sey naman ng netizens, mukhang makakapag-live online pa ang singer bago makarating sa kanyang pupuntahan.

“Only in Philippines! Wala kaming karapatan magreklamo dito sa Florida, kasi nothing can beat the Pinas!” pagkukumpara pa ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE