Sharon

Sharon sa haters ng pagbabati nila ni KC: Bastos!

September 14, 2023 Vinia Vivar 269 views

Pinagpipistahan ngayon ng netizens ang pagkakabati ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Instagram.

From the looks of it, si Sharon ang unang nag-reach out sa anak by promoting KC’s movie na Asian Persuasion sa Instagram.

Ni-repost ni Sharon ang post ni KC promoting the Hollywood movie at sa caption ay nagbigay siya ng mensahe sa anak.

“America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself,” ang caption ni Shawie.

Sumagot naman si KC sa comment section ng isang madamdaming mensahe for her mom.

“Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you,” ang nakaka-touch na mensahe ni KC sa ina.

Sumagot naman si Sharon at super touching din ang message niya for KC. Ipinahayag niya ang pagmamahal sa anak at ang wishing na sana ay magkausap sila.

“Still praying we get to talk. After all your work na anak. God is good. Nothing would make me happier than having my whole family with me, and don’t ever forget you are part of ours too…

“I am a mother FIRST, and my heart will oniy be complete once things are sorted out. Remember anak that only those who truly love you will tell you what is true, what will make you a better person.

“We all love and care for you. See things from that perspective and you will see differently. I love you. Daddy and your siblings love you,” ang message ni Shawie kay KC.

Of course, super happy ang kanilang fans sa pagkababati ng mag-ina at ang iba’y nagsabi pang naiyak sila. Lahat ay binabati sila at nagbibigay ng kanilang suporta.

Hindi naman maiwasang may bashers din na sa halip na matuwa ay binatikos pa si Sharon kaya hindi na nakapagpigil pa si Mega at sinagot ang haters. Halatang galit na galit si Sharon at tinawag na bastos ang mga ito.

“Kung ako ang kausap mo gamitin mo ang utak mo kung may konti pa. WALA KAYONG ALAM SA PINAGDADAANAN NAMIN ISA ISA. At sa tanang buhay ko WALA PANG TUMAWAG SA AKIN NA TOXIC KAHIT PA ANAK KO!

“Dunungdunungan kayo wala naman kayo nung pinalaki ko yan. Ang KAPAL NG MUKHA NYO.

“Magpasalamat kayo tahimik ako at mahal ko ang mga anak ko. Kundi baka iflush mo sarili mo dahil IKAW ang dapat sa imburnal. Bastos!” ang pagtataray ni Mega.

AUTHOR PROFILE