Sharon

Sharon, agree sa pag-move forward ni Kathryn

December 16, 2023 Vinia Vivar 199 views

“No looking back, only moving forward.”

Ito ang bahagi ng caption ni Kathryn Bernardo sa kanyang latest Instagram post.

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks…,” aniya pa.

Marami tuloy ang nag-isip kung ano ang ibig sabihin ni Kathryn sa ‘no looking’ back at ang tanong ng fans, ang ex-boyfriend ba niyang si Daniel Padilla ang kanyang pinatutungkulan?

Sagot ba ito sa KathNiel fans na umaasang magkakabalikan pa sila ni DJ?

Sa malas ay talagang nagmu-move on na nga ang aktres at marami naman sa solid fans niya at mga nagmamahal sa kanya ay suportado ang move niyang ito kung talagang ito ang ikaliligaya niya.

Isa na nga si Megastar Sharon Cuneta sa nagpakita ng suporta kay Kathryn. Komento niya, “Love you.”

“Yes to MOVING FORWARD!” sey naman ng isa niyang follower.

“Shot puno sa no looking back, only moving forward,” sabi naman ng friend ni Kathryn na si Alora Sasam.

“Excited for you! You deserve the best!” sey pa ng isang fan.

AUTHOR PROFILE