Maja

MAJA, TEMPORARY ANG PAG-QUIT SA SHOWBIZ

December 16, 2023 Vinia Vivar 277 views

Ngayong buntis na siya at bumubuo na ng pamilya, ipinayag ni Maja Salvador na hindi naman niya iiwan ang showbiz.

Maaaring hindi muna siya gumawa ng teleserye at pelikula habang buntis siya pero pansamantala lang ito at gusto pa rin niyang mag-work.

In fact, habang maliit pa ang tiyan niya ay patuloy pa rin siyang mapapanood sa sitcom nila ni Vic Sotto sa GMA-7 na Open 24/7 at sa Season 3 ng hino-host niyang show sa TV5 na Emojination.

“Gusto ko namang maramdaman na yes, pregnant ako pero kaya ko pa ring mag-work,” sey ni Maja sa panayam ni Bernadette Sembrano.

“’Yung sitcom with Bossing (Vic), ‘yun, kinausap din namin sila kaagad na parang sila ang bahala kung gusto nilang ituloy pa rin ako sa show or hindi, and then, sila, very happy na ‘kami, gusto namin kahit buntis ka’ ganyan, ‘as long as okay, may approval ni doktora,’” kwento ni Maja.

Sa 2024 ay magpapaka-mommy muna siya at hindi muna tatanggap ng projects. Pero hindi naman daw niya totally lilisanin ang showbiz.

Aprubado ito ng mister niyang si Rambo Nuñez at gusto rin nilang i-instill sa mga magiging anak nila ang value ng hard work and therefore, they must live by example.

Hindi naman daw marami ang gusto nilang anak. Mga dalawa hanggang tatlo lang naman.

“If we’re given two, okay na kami do’n, that’s enough na siguro,” sey ni Rambo.

AUTHOR PROFILE