David

Shaira tanggap kay David kahit may EA na

February 15, 2023 Aster Amoyo 602 views

DavidDavid1david2KAYA na bang magdala ng pelikula ang Kapuso stars na sina David Licauco and Shaira Diaz na unang nagtambal sa pelikulang “Because of I Love You” na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan nung 2019?

Although hindi pa nagsasama ang dalawa sa isang serye ng Kapuso network, tanggap silang dalawang kanilang respective fans kahit sino ang kanilang makatrabaho at hindi sila identified sa isang love team.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling magkatambal sa pelikula sina David at Shaira sa romantic love story na “Without You” na pinamahalaan ni RC de los Reyes under OctoArts Films and now showing in more than 100 theaters nationwide.

“I am so grateful sa OctoArts big boss nasi Boss Orly Ilacad, my GMA family sa tiwalang ibinigay nila sa akin at siyempre sa fans na patuloy na sumusuporta sa akin, sa amin ni Shaira at sa iba ko pang nakakasama,” pahayag ng tsinitong actor during the successful red carpet premiere ng “Without You” movie na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall last Monday evening.

David is going to celebrate his 9th year in showbiz this year na hindi umano niya inakalang papasukin niya.

Naging tulay ni David sa kanyang showbiz career ang kanyang pagsali sa Mr. & Miss Chinatown in 2014. Pero bago nito ay naging campus model siya at nakagawa rin siya ng ilang product endorserments plus magazine covers.

Si David ay pangalawa sa apat na magkakapatid na kinabibilangan nina Ellen Alyssandra, Jeanne Arianne May at James Daniel. Isa siya sa mga grandchildren ni Jaime Licauco, isang kilalang newspaper columnist, internationally known Filipino parasychologist, author, lecturer, hypnotherapist at consultant.

Ang acting debut ni David ay nagsimula sa 2014 Metro Manila Film Festival movie na”The Amazing Praybeyt Benjamin” na pinagbidahan ni Vice Ganda. Napasama rin siya sa TV drama series na “Flordeluna” ng ABS-CBN at sa crime drama anthology na “Ipaglaban Mo”. It was in 2016 nang mag-guest siya sa “Karelasyon” ng GMA at magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang paggawa ng serye sa Kapuso Network at ang kanyang unang lead role ay sa fantaseryeng “Mulawin vs. Ravena” nung 2017 na sinundan ng iba pang serye at programa. Pero umalagwa nang husto ang karera ng singer-actor nang siya’y mapabilang sa hit drama series na “Maria Clara at Ibarra” where he played the role of Fidel de los Reyes opposite Barbie Forteza.

Sa kabila ng pagiging bukas sa publiko ng relasyon nina Barbie at kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto, tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan. Katunayan, David and Barbie are doing a film under OctoArts Films na kukunan pa sa Vienna, Austria.

Kung tanggap ng mga fans ang tambalan nila ni Shaira, ganundin ang team-up nila ni Barbie.

“I’m so glad na kahit sino ang makapareha ko ay suportado at tanggap ng mga fans,” ani David.

Si David ay itinuturing na `breakthrough actor’ and matinee idol for 2023 at very timely ang pagpapalabas ng “Without You” nila ni Shaira kahit na very much in a relationship with another Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman.

Paalam, Lualhati Bautista

BautistaSUMAKABILANG-buhay na ang award-winning veteran novelist, screenplay writer at activity na si Lualhati Torres Bautista nung nakaraang Linggo ng umaga, February 12 sa edad na 77. Hindi na ibinahagi ng kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Si Lualhati ay siyang sumulat ng maraming nobela at libro which were adapted into movies tulad ng “Gapo,” “Dekada `70,” “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” at marami pang iba. Marami ring siyang nasulat na screenplays for movies and TV series.

Siya’y nagtapos ng elementary nung 1958 sa Emilio Jacinto Elementary School at sa Torres High School in 1962. She was a college drop-out at hindi na niya tinapos ang kanyang kurso in journalism sa Lyceum of the Philippines dahil gusto na niya agad simulan ang kanyang career sa pagsusulat. Ang kanyang unang short story na pinamagatang “Katugon ng Damdamin” ay nalathala sa Liwayway Magazine at ditto na nagsimula ang kanyang writing career.

Kilala si Lualhati sa pagiging matapang, totoo at makatotohanan sa kanyang panulat laluna pagdating sa iba’t ibang women issues.

Makailang beses na rin siyang nakatanggap ng Palanca Awards para sa ilan niyang sinulat tulad ng “Gapo,” “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” at ‘Dekada `70”.

Ilan pa sa marami niyang sinulat na ginawang pelikula includes “Bulaklak ng City Jail,” “Sonata,” “Sixty in the City,” “Hinugot sa Tadyang,” “Desaparesidos” at marami pang iba.

Nung 2020 ay ginawaran si Lualhati ng Gawad CCP Para Sa Sining dahil sa kanyang outstanding achievements sa Philippine Arts and Culture.

Ang mga labi ni Lualhati ay kasalukuyang nakahimlay sa St. Peter Chapels in Commonwealth, Quezon City. Ang internment ay gaganapin on February 17 (Friday) sa Holy Cross Memorial Park in Quirino, Novaliches, Quezon City.

Sarah at Matteo namasyal muna sa Amerika bago ang malalaking projects

SarahSarah1KAMAKAILAN lamang ay lumipad patungong America ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo where they spent Valentine’s Day and their upcoming third wedding anniversary on February 20.

The singer, actor, host, athlete and entrepreneur brought his lovely wife to explore the sequoia trees and snow in Northern California. Ito bale ang first time as husband wife na magbakasyon at mamasyal sa Amerika.

Umaasa naman ang fans ng couple na sana’y magkaroon na rin sila ng baby para kumpleto na ang kanilang pamilya lalupa’t magdadalawa na ang anak ng kaibigan at kapanabayan ni Sarah na si Rachelle Ann Go sa kanyang American husband na si Martin Spies.

Sa kanilang pagbabalik, umaasa ang supporters ng mag-asawa na sana’y makagawa sila ng movie together and their concert as a couple lalupa’t iisa ang kanyang management company, ang Viva.

May lumulutang na balita na magiging bahagi umano si Matteo ng daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” bilang segment host habang si Sarah ay handa na muling humarap sa concert stage maging sa paggawa ng pelikula.

Matteo and Sarah were in a long relationship bago sila nagpakasal in a secret Christmas wedding in Bonifacio Global City nung February 20, 2020 which brought the ire of Sarah’s mom nasi Divine Geronimo. And up to this time ay hindi pa rin umano okey ang mag-ina.

Coco dalawa ulit ang karakter sa bagong TV series

CocoCoco1KUNG ang character na Cardo Dalisay ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng actor at director ni Coco Martin ay tumatak sa mga manonood sa loob ng halos pitong taon, may bagong character na naman ang tiyak na mamahalin ng mga tagasubaybay ng “FPJ’s BatangQuiapo,” si Tanggol (sa halip na Baldo na siyang original character ni FPJ sa pelikulang ginawa nila ni Maricel Soriano in 1986).

Si Tanggol ay anak ng character ni Miles Ocampo na ni-rape ni Ramon na ginampanan din ni Coco at siyang ama ng bata na naging bunga ng rape.

Kung si Cardo Dalisay ay may kakambal na ginampanan din ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” mag-ama naman ang magkahiwalay na character ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Inamin ni Coco na very challenging umano sa kanya ang dalawang magkaibang character na kanyang ginagampanan lalupa’t siya pa ang tumatayong creative director ng serye, co-producer at co-director.

“Hindi madali, pero kinakaya,” pahayag pa niya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE