
Sermonia bumisita sa MPD HQ
MAINIT na sinalubong ng kapulisan ng Maynila sa pangunguna ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief Rhodel Sermonia sa MPD Headquarters, United Nations Avenue, Ermita, Maynila Huwebes ng hapon.
Nagsagawa ng “arrival honors” ang kabuuan ng MPD kay Sermonia at tradisyunal na pagpirma nito sa guest book ng nasabing punong himpilan na sinaksihan nina DDDA P/Col. Raul Tacaca, P/Col. Dario Menor ng DDO, Chief District Directorial Staff (CDDS) P/Col. Julius Cecil Ordoño, at ilan pang head units ng pulis Maynila.
Ayon kay Sermonia, nagtungo siya sa MPD HQ upang alamin ang mga hinaing at “mga hamon” na kinakaharap ng mga miyembro ng kapulisan ng kapitolyo ng bansa.
Dagdag pa ng PNP deputy chief, kakausapin rin niya ang mga pulis ukol sa kanilang mga problema at pangangailangan na maaaring iresolba ng mismong PNP HQ sa Kampo Crame.
Nabanggit din sa pagbisita ang pag-igting ng buong MPD, mga police stations, sa pagsuporta nito sa kampanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na BIDA – “Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan” ng kalihim na si Benhur Abalos.