Chef

Series nina Piolo, Sam at Alex napapanood na sa Netflix

November 26, 2023 Aster Amoyo 268 views

Chef1Chef2STREAMING ngayon on Netflix ang seryeng “Replacing Chef Chico” kung saan tampok na mga bituin sina Piolo Pascual, Alessandra de Rossi at Sam Milby mula sa panulat ng writer-director na si Antoinette Jadaone at direksiyon ni Dan Villegas. Ito ang first time ever original Filipino production ng Netflix na magkatuwang na prinudyos ng CS Studios and Project 8 Projects.

Honored at masaya sina Piolo, Alex at Sam sa kanilang unang series on Netflix streaming platform sa kakaibang material.

Magkaibigan sina Piolo at Sam at iisa ang kanilang management company, ang Cornerstone Entertainment habang close namang magkaibigan sina Papa P (Piolo) at Alex (Alessandra de Rossi) kaya sobra nilang in-enjoy ang paggawa ng “Replacing Chef Chico” where Piolo plays the role of Raymond, isang corporate consultant, Sam as Chef Chico habang si Alex naman si Chef Ella, ang sous chef.

Ito ang unang pagkakataon na magkasama ang tatlo in a series.

Sina Piolo at Alex ay nagmula sa kanilang first movie together, ang “My Amanda” which Alex co-starrred with Piolo na siya rin ang nagsulat, nagdirek and co-produced habang si Sam ay kagagaling pa lamang sa kanyang most recent primetime TV series on ABS-CBN, ang “A Family Affair”. Si Alex ay meron ding most recent film project shown on Netflix, ang “What If” na pinagtambalan nila ng mahusay na singer-actor na si JM de Guzman.

Kung matatandaan pa, it was in 2018 nang ipalabas on Netflix ang pelikula nina Alex at Paolo Contis, ang “Through Night and Day” na pinamahalaan ni Veronica Velasco and jointly produced ng Viva Films and OctoArts Films. Ang nasabing pelikula ay hindi gaanong kumita sa box office but when it was shown on the giant streaming app, ang Netflix ay nag-number 1 ito, making Alex the Philippines’ Netflix Queen with Paolo Contis as king.

Ang Netflix ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi na gaanong tinatao ang mga sinehan.

Samantala, kinu-consider ni Alex si Piolo as one of her closest friends in the industry bukod kay Empoy Marquez. Alex and Empoy worked together in the 2017 “Kita Kita” movie na kumita ng P320-M making the movie the top-grossing indie film of all time. The film was also streamed on Netflix after the theatrical release. The movie which was directed by Sigrid Andrea Bernardo was produced by Spring Films na pinamumunuan mismo ni Piolo along with his business partners na sina Erick Raymundo (ng Cornerstone Entertainment), Direk Joyce Bernal, Erwin Blanco, Sky Gonda at Lucky Blanco. It was jointly produced ng Viva Films and Sharo Entertainment Production.

Beautederm CEO star-studded at napakasaya ng birthday celebration

LolitLolit1Lolit2Lolit3MASAYANG-MASAYA ang recent birthday bash ng Beautederm president and CEO na sina Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa ballroom ng Luxent Hotel last Saturday afternoon na inabot hanggang gabi na dinaluhan ng marami sa mga brand ambassadors ng Beautederm na pinangunahan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Bukod sa apaw na pagkain, drinks at mga naglalakihang papremyo and give-aways, ang isang `birthday gift’ na hindi makakalimutan ng birthday celebrant ay ang hindi inaasahang pagkakabati ng nagkatampukang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis at si Bea. Halos maiyak sa tuwa si Rei nang lapitan ni Manay Lolit si Bea at nagkayakapan ang dalawa and this was witnessed ng mga dumalong entertainment media and vloggers.

Parehong malapit sa kanyang puso sina Manay Lolit at Bea kaya tuwang-tuwa siya nang matapos na ang `tampuhan’ o gap ng dalawa na nangyari mismo sa kanyang birthday celebration. Magandang pangyayari rin ito para sa nalalapit na Pasko na masaya ang pakiramdam ng kanilang mga puso.

Samantala, nagpadagdag ng saya ang pagdalo ng ilan pa sa mga brand ambassadors ng Beautederm tulad nina Maja Salvador, Sanya Lopez, Glydel Marcado, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, ang singer-actor at Bulacan Vice-Governor Alex Castro and wife Sunshine Garcia, Kakai Bautista, Luke Mejares, Jane Oineza, Rayver Cruz, Kitkat, Ervic Vijandre at iba pa. The event was hosted by DJ Cha-Cha and DJ Jai Ho. Nagpadala naman VTR birthday message kay Rei sina Piolo Pascual at Sam Milby at nagpadala pa ng mamahaling arm bouquet of flowers si Papa P. Bukod sa expensive at naggagandahang flowers, napakarami ring dumating na masasarap and expensive cakes na ang iba ay nagmula pa sa mga mamahaling brands na paborito ni Rei.

Sa rami ng mga nagmamahal, naglalakihan at mga kilalang brand ambassadors ng Beautederm, mukhang hindi kawalan kay Rei at sa kanyang kumpanya ang pagkawala ng isa siyang itinuring na kaibigan at itinuring na precious gem sa kanyang puso.

Come 2024 ay marami pang bagong karagdagan sa pamilya ng Beautederm ang ilu-launch.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE