Frasco

Serbisyo publiko ni Rep. Frasco sa Danao

August 6, 2023 Mar Rodriguez 230 views
Frasco1
Bagong covered court para sa Bgy. Dungca sa Danao City.

PUSPUSAN ang pagsisikap ni House Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo publiko sa kaniyang lalawigan, matapos ang pagpapasinaya sa multi-million covered court project ng kongresista sa Barangay Dungca, Danao City.

Pinangunahan mismo ni Frasco ang ginanap na pagpapasinaya sa bagong covered court sa nasabing barangay na ginastusan ng P5 milyon na magagamit din bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad.

Dahil dito, maraming mamamayan ng Cebu City, partikular na ang mga residente ng Bgy. Dungca, ang nagpaabot ng taos-puso at marubdob na pasasalamat kay Frasco, dahil sa inilunsad nitong proyekto na hindi lamang magagamit para sa iba’t-ibang sport events kundi bilang evacuation center.

Ipinahayag naman ng kapitan ng Bgy. Dungca ang lubos na pasasalamat nito kay Frasco dahil sa mga proyektong isinagawa ng kongresista na malaki ang maitutulong sa kaniyang distrito.

“Nagpapasalamat ako ng malaki kay Cong. Duke sa pagtugon sa matagal na naming inaantay na covered court. Sa kabila ng wala kaming mayor na inaasahan ay nariyan ang aming Congressman at ang Vice Mayor na kalapit lungsod natin na laging nariyan handang umalalay sa ating barangay,” ayon sa kapitan ng Bgy. Dungca.

Personal namang ibinigay ni Frasco ang kaniyang donasyon para sa pagpapagawa o fabrication ng basketball ring na nagkakahalaga ng P50,000 na gaya ng ginagamit ng mga professional basketball players.

AUTHOR PROFILE