
Senado huwag gamitin pang- political persecution
HAYAGANG pinaalalahanan ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Senador Ronald Bato dela Rosa at ang iba pang mga senador na hindi pwede aniyang gamitin ang Senado at ang mga pagdinig sa ibat ibang komite para lamang sa tinawag niyang “political persecution.”
Sa kanyang pormal na pahayag, sinabi ng Pangulo ng Senado na bagamat nirerespeto niya ang trabaho na naka-atas sa mga senador, dapat lamang aniyang ipaalala din sa bawat isa sa kanila na maging maingat sa paggamit ng kanilang mga ginagawang pagdinig sa interest na pam pulitikal lamang.
Ang reaksyon ni Zubiri ay kaugnay ng ginawang imbestigasyon sa ginanap na pagdinig ni Senador dela Rosa sa kanyang komite sa ilalim ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na siyang nag-iimbestiga sa Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) na siyang naglabas ng umanoy mga dokumento na isiniwalat naman ng dating imbestigador at ahente umano ng PDEA na si Jonathan Morales.
“While we respect the committees’ right to perform oversight functions, in aid of legislation, however, we would like to remind our colleagues to be very careful not to use the hearings in aid of political persecution,” ani Zubiri.
Ang nasabing imbestigasyon ni Sen. Bato ay nakasentro sa mga ginawang pahayag ni Morales kung saan ay idinadawit nito ang pangalan ng Pangulong Marcos jr., at ang actress na si Maricel Soriano sa isyu ng paggamit ng cocaine na ilegal na droga.
“We were monitoring the Committee hearings being conducted by the Committee on Public Order. Very serious accusations have been made. Whether they have merit or not, is a whole other matter. While certain claims were made, documentary evidence is yet to be presented. There were no pictures, no corroborating testimonies. In other words, this was solely based on the testimony of one person based on what appears to be hearsay evidence. ” paglalahad ni Zubiri.
Kinuwestiyon din ni Zubiri kung bakit walang direksyon ang mga isyu nito at napakaraming pangalan aniya ang binabanggit ngunit hindi maalala man lamang kung ano ang pangalan ng kanyang imformante.
“Morales cites a document which he claims to have seen, by virtue of his former position, although he did not personally witness any wrongdoing. The drug test of the President is being brought up, even though it does not appear to be germane to the subject of the motu proprio investigation,” ani Zubiri.
Para kay Zubiri, ang korte lamang aniya ang pwedeng makapag sabi kung guilty o hindi ang sinuman may kinakaharap na kaso.
“Under a court of law, guilt must be proven beyond reasonable doubt. While legislative inquiries are very liberal in terms of adhering to rules of evidence, it is our opinion that hearings should aim to ferret out the truth using evidence and facts. Otherwise, the faith of people in inquiries-in-aid of legislation may be diminished, especially when it causes reputational damage to other parties.
There have been instances where statements were made in legislative inquiries, only to be recanted before the courts later on. We do not want a repeat of that,” ani Zubiri na nagsabing hindi normal na walang konkretong dokumento na pwedeng ipakita bilang suporta sa mga paglalahad nito sa kanya testimonya.
Para naman kay Sen. Grace Poe, hindi niya mapigilan ang sarili kundi puntahan ang nasabing pagdinig dahil hindi aniya siya kumbinsido sa mga kwestionableng paglalahad ng testigo.
Pinaalala din nito na seryoso ang mga akusasyon na ibinabato ng testigo laban sa mga nabanggit na pangalan. Binanggit din ni Poe ang kanyang pagdududa sa mga inilahad ng nasabing testigo dahil umano sa balitang napakaraming kaso ang kasalukuyan nakasampa laban kay Morales.
Hindi naman napigil ni Senador Francis Chiz Escudero na ipaalala kay Sen. dela Rosa ang mga alituntunin na dapat sundin sa isang pagdinig gayundin ng mga sistema at iba pang dapat sundin sa anumang imbestigasyon.
Ani Escudero sobrang nakakaduda na ang damin pangalan ang kayang sambitin ni Morales gayundin ang ibat ibang insidente na animoy kabisadong kabisado niya ngunit hindi maalala ang pangalan na kanyang imformante at tinanggihan pa nito ang alok ni dela Rosa na executive session para dito.
“Whatever Morales says that the informant told him is all hearsay,” ani Escudero na nagsabing kahit abutin sila ng Pasko ay hindi matatapos ang pagdinig kung ang pagbabasehan lamang ay puro kwentong kutchero or hearsay.
Nauna rito, sinabi naman ni Senador Jose Jinggoy Estrada na si Morales ay maituturin na isang ” polluted source” na kaduda duda aniya ang karakter at kwestionable ang motibo kung kayat hindi aniya dapat ito paniwalaan.