Default Thumbnail

Sekyu dedo sa banggaan sa Batangas City

March 31, 2023 Jojo C. Magsombol 300 views

DEDO ang rider na sekyu matapos aksidenteng makabanggan ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang trailer truck habang tumatakbo sa diversion road sa Bgy. Bolbok, Batangas City, Miyerkules ng umaga, Marso 29, 2023.

Ayon sa Batangas police, ang bikitma ay 22, security guard, at tubong Bgy. Pasay Del Gallego, Camarines Sur at naninirahan sa Bgy. San Isidro, Bay, Laguna.

Ang insidente ay mabilis na inireport sa Batangas City Police Station na kaagad na nagresponde ang mga imbestigador sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang Sinotruk Howo tractor na may trailer ay binibagtas ang diversion road patungo sa Bgy. Alangilan sa nasabing siyudad, nang aksidenteng mabangga ang isang papasalubong na Yamaha Sniper 150 MX na minamaneho ng biktima.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang duguang sekyu at kinalaunan ay binawian ng buhay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

AUTHOR PROFILE