Sean

Sean ipinagtanggol ng manager

March 16, 2024 Vinia Vivar 81 views

Iniintriga ngayon si Sean de Guzman na lumalaki na umano ang ulo.

Absent kasi siya sa mediacon ng latest Vivamax film niyang Mapanukso kaya lalo pang lumakas ang ispekulasyon na talagang nagbago na siya.

Bihira ang artistang hindi nakaka-attend ng mediacon lalo pa nga’t isa ka sa mga bida dahil talagang pinaglalaanan ito ng oras dahil importanteng event ito para ma-promote ang proyekto.

Kaya naman sa mediacon ay natanong ang direktor na si Abdel Langit kung nasaan ang bida niya.

“I really don’t know kung nasaan si Sean. As far as I’m concerned… siyempre alam ko naman ‘yung mga lumulutang na kwento, pero sa akin, in fairness to Sean, noong panahon na nagsu-shoot kami, nandoon po siya,” pahayag ni direk Abdel.

Asked kung ano ang mga kwentong ito na lumulutang, ayaw nang magdetalye pa ni direk at ayaw umano niya na sa kanya manggaling.

“Huwag na lang po sa akin. Basta si Sean was there, he was very professional, he did his part and kung nasaan man siya ngayon, hindi ko po alam,” sey ng direktor.

Pero sa nabasa naman naming convo sa isang Facebook post ay sinabi ng manager ni Sean na si Len Carillo na siya ang humihingi ng dispensa sa hindi pagsipot ng kanyang alaga dahil may dinaluhan umanong burial ang aktor.

Anyway, sa Mapanukso ay isang macho dancer ang role ni Sean at kasama niya rito sina Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza, Calvin Reyes, Rica Gonzales at Ataska.

Ang Mapanukso ay available na for streaming sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE