
Sarah Lahbati mala-Miss Universe sa new haircut
PAKAK na pakak na umawra sa kanyang Instagram ang aktres na si Sarah Lahbati matapos ito mag-upload ng bagong mga larawan na kung saan makikita ang kanyang new haircut.
Fresh na fresh at Mala-Miss Universe ika nga sabi ng netizens ang atake ng aktres sa kanyang new look. ‘Grabe 🔥 MUPH na ba? 🤪,’ komento ng Filipino well-known celebrity fashion designer na si Mark Bumgarner.
Ngunit hindi naman nakaligtas ang “Seduction” star matapos tanungin ng ilang marites online tungkol sa isyung hiwalay na umano sila ng gwapong aktor na si Richard Gutierrez. Dagdag pa nila, simbolo umano ba ang pagpapaikli ng buhok ni Sarah.
‘Bakit ikaw lang nagpo-post ng pics nyo ni Richard? Tapos siya wala? Wala akong nakitang post nya ng pics nyo puro tagged photos from you lang,” komento ng isang netizen. “moving on stage na,” dagdag pa ng isa.