Dara

Sandara, nawindang sa suporta ng Pinoy fans

June 11, 2023 Vinia Vivar 329 views

Hindi makapaniwala si Sandara Park na hanggang ngayon ay kilala pa rin siya ng mga Pilipino.

Nagbalik sa Pilipinas ang South Korean singer kamakailan at ipinost niya sa kanyang Twitter account ang mga larawan niya na kuha sa Clark.

“Sobrang nakakagulat at nakakaflatter na hanggang ngayon, kilalang kilala pa ako ng mag Pinoy. Maraming salamat sa love & support nyo sakin!!! mahal ko kayo!!! Forever!!!” ang caption ni Dara, na tinagurian noong “Ang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas.”

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na nagtatanong kung bakit kilala pa rin siya gayung wala naman siyang show dito sa ‘Pinas.

“Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. Tv show. Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa (restaurant), sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!” tweet pa ni Sandara.

Sagot naman ng isa niyang fan, “Pano ka namin ‘naaalala’ kung hindi ka naman umalis sa isip at puso namin?”

Sey naman ng isa pa, “Kasi phenomenal ang pagsikat mo accla. Hahaha! Miss you krungkrung!”

Sabi naman ng isa pa, “Hindi ka makalimutan ng mga Pinoy Sandy kase lagi mo rin kaming naaalala at binabalikan.”

In fairness, tama sila.

AUTHOR PROFILE