Dy DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy

Samaniego pinayuhan ng DICT na ‘magtiwala sa proseso’

June 26, 2024 Chona Yu 61 views

FACE the case.

Payo ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kay Manila Bulletin technology editor Art Samaniego Jr. na una nang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano sa hacking incidents sa ilang private companies at government websites.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na mas makabubuti kung magtitiwala si Samaniego sa proseso.

“But for Art, my advice is trust the process, face the case. He will be given ample time to prepare for his defense. So he should. He should be given that privilege,” pahayag ni Dy.

Ayon kay Dy, hindi pa naman nahahatulan si Samaniego. Bukod dito, alegasyon pa lamang aniya ang ipinupukol kay Samaniego.

Nabatid na si Samaniego ay founder ng gruping ScamWatch na ka-partner ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT.

Pero ayon kay Dy, naka-indifinte leave naman si Samaniego sa ScamWatch.

Makikipag-usap aniya ang DICT sa CICC at sa ScamWatch para talakayin kung paano tutugunan ang kaso ni Samaniego.

Una nang nadawit si Samaniego sa hacking incident sa website ng Inquirer online.

AUTHOR PROFILE