Sam

Sam bet pakasalan si Rhian sa Quiapo church

April 14, 2025 Jun Nardo 135 views

LUCKY charm ni Manila mayoralty candidate na si Sam Verzosa ang girlfriend na si Rhian Ramos. Nasisilbi rin niya itong consultant sa ilang desisyon sa buhay lalo na ngayong kandidato nga siya.

Sa mediacon ni Sam sa Kamuning Bakery and Café kahapon, muling naungkat ang pagpapakasal nila ni Rhian.

“Ayokong gamitin ang kasal para sa kandidatura ko. Basta happy kami at kung mangyari, gusto ko sa Quiapo Church mangyari dahil devotee ako ng Mahal na Poong Nazareno,” pahayag ni Sam.

Gaya ng sinasabi niya, tumakbo siya bilang Manila mayor upang makatulong at makapagbigay ng pag-asa sa mga Manilenyo.

AUTHOR PROFILE