
Ruffa: Coldplay sulit ang presyo, 4 na oras na pagmamaneho
MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang kanilang bonding ng kanyang anak na si Venice Bektas sa kamakailan lang na pinagkakaguluhang concert ng bandang ColdPlay, na ginanap sa Philippine Arena.
Sa kanyang Instagram post, Enero 22, “BELIEVE IN LOVE. What an unforgettable night at my first Coldplay concert with my beautiful date, Venice.”
Dagdag pa niya, worth ang paggastos niya sa pambili ng ticket sa nasabing concert at pag-maneho nito ng apat na oras papunta sa Santa Maria Bulacan para makita ang kanyang idolong si Chris Martin.
“A visual feast worth the 4 hour drive and money spent to see Chris Martin up close,” sey pa ni Ruffa.
Bagaman masaya ang aktres sa mga kantang inawit ng nasabing banda, nangungulila naman ito at gusto niyang makasama ang isa niyang anak na si Lorin na busy naman ngayon sa kanyang career at buhay.
“Cheers to creating more amazing memories with my daughters (missing you, Lorin!) and helping the environment,” saad pa niya.