Aga

Aga, inamin ang struggle sa weight problem: Being overweight is very limiting… OG heartthrob, nangangarap gumanap na retiradong gay performer

January 23, 2024 Ian F. Fariñas 130 views

INSPIRADO ang ’80s matinee idol/heartthrob na si Aga Muhlach na muling maging aktibo sa showbiz ngayong 2024.

Katunayan, sinisimulan niya ang bagong taon sa pamamagitan ng isang bagong pelikula para sa Viva Films, ang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, na pinagtatambalan nila ng batang aktres na si Julia Barretto.

Sa grand mediacon ng may pagka-May-December affair movie sa ilalim ng direksyon ni Denise O’Hara, inamin ni Aga na para matupad ‘yon, kailangan muna niyang magbawas ng timbang.

“Oh, yes, I will continue to work. I am inspired to work now. Number one, I gotta face this lingering issue sa buhay ko is my being overweight, ‘no? And until I’m (no longer) overweight, I cannot really move on, I cannot really do projects as much as I want to because it’s very limiting. Being overweight is very limiting. And I’ve been struggling and finally, finally, it’s happening now.

Probably some have noticed it already but I’m there and the next four, five months, there’s gonna be a big thing that’s gonna happen,” panimula ng aktor.

“Sabi ko nga, it’s now or never. Parang if I don’t lose this, parang it just stops for me. Parang because if I cannot fix that, then papaano ako magtatrabaho nang maayos? So, it’s all happening. It’s all going down this year. I’m pretty excited. I can’t say it but I’m really excited,” dugtong pa niya sa balak na big showbiz comeback.

Nang tanungin ng People’s Tonight kung kasama ba sa muli niyang pagiging aktibo sa pag-arte ang paggawa ng proyekto kasama ang kambal nila ni Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres, ang sey ni Aga, sa ngayon, mas posibleng gumawa sila ng project sa TV kesa movie.

“In terms of working with my children, for movie? Parang hindi muna siguro. Parang I just want them to just be their own. TV? Why not? I’m looking forward to my guesting sa Eat Bulaga.

“Wow, i can say that now, ‘no? I’m looking forward to guesting sa Eat Bulaga because makakasama ko ‘yung… parang bibisita ako sa teritoryo ng anak kong babae.

“Parang sinabi niya, ‘hey, dad, i got you covered here.’ May ganu’n siya, ‘di ba? Ako’ng bahala, ‘di ba? Parang ‘wow,’ let’s see. Ganyan. I look forward to my guesting there. First time ko siyang makita sa work place niya. So that will be an experience. So I’m looking foward to that to especially promote this movie sa kanya, sa show niya,” diin ng aktor.

Samantala, naibahagi rin niya ang matagal na niyang pangarap na makagawa ng isang pelikula kung saan gaganap siya sa papel ng isang retiradong gay performer.

Halos ikuwento na nang buo ni Aga sa presscon ang istorya ng dream project niya kung hindi pa siya winarningan ng press na baka may mangopya sa ideya niya o unahan pa siya.

“Masyado akong madaldal, hahaha!” reaksyon niya.

Anyway, mas maganda sana kung siya mismo ang magdidirek sa sarili sa nasabing dream project, pero tumanggi si Aga.

Ayon sa kanya, ang pagdidirek ay isang “gift” na wala sa kanya.

Iba umano ang disiplinang kaakibat ng pagdidirek ng isang pelikula dahil ito ang namamahala mula umpisa hanggang katapusan ng movie.

“Hindi ko kaya, nakaka-stress! I would just collaborate,” hirit pa ni Aga.

Speaking of collaborate, ani Direk Denise, maraming input sina Aga at Julia sa Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko para sa mas ikagaganda ng pelikula.

Blessing namang itinuturing ng aktor na hanggang ngayon, naipapareha pa rin siya sa kasing batang aktres ni Julia.

Sa ngayon, milyun-milyon na ang views ng official trailer ng pre-Valentine movie na magbubukas sa mga sinehan simula Feb. 7.

At maging ang pamilya ni Aga, ‘di na makahintay na mapanood ito sa red carpet premiere.

“They’re all excited, sabi ko kalma! Kalma lang,” nakangiti niyang pangbubuko kina Charlene, Andres at Atasha.

AUTHOR PROFILE