
RS at Sam, tahimik sa pagkatsugi ng Frontrow flagship product
LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng Frontrow International sa socmed tungkol sa discontinuation ng flagship product nitong Luxxe White.
Trending agad ang announcement lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking “Paalam, Luxxe White” billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng mga may-ari ng kumpanya — ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV) — kaya ’di makapaniwala ang fans, loyal supporters at industry insiders sa pangyayari.
Wala ring nakakaalam kung ano ang nag-udyok sa ‘di inaasahang balita at patuloy ang kung ano-anong spekulasyon sa business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang discontinuation ng Luxxe White. Bakit nga ba biglang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, na-sustain ng Luxxe White ang posisyon nito bilang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal costumer ‘di lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid, Cha Eun-Woo, Gretchen Barretto, Jinkee Pacquiao, Sachzna, Cristine Reyes, Daniel Padilla, Miss Universe 2018 Catriona Gray at Vice Ganda sa mga nag-endorse ng life-changing benefits ng Luxxe White, kaya mas lalong tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.
Habang patuloy ang bulung-bulungan sa health and beauty industry, hindi pa rin binabasag nina RS at Sam ang kanilang pananahimik sa tanong ng lahat: Bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at konkretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?