
Ronnie nagsalita na sa pagkaka-link kay Harry Roque
Nagsalita na si Ronnie Liang kaugnay ng malisyosong tsismis tungkol sa kanila ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Matatandaan na a few days ago ay pinagpiyestahan sa social media ang lumang videos nina Ronnie at Roque habang nakasakay sa speedboat o bangka.
Sa isang video ay maririnig si Roque na nagsalita ng “Mamaya-maya titingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang. Hahahaha! Okay! Ako, magtotopless ako. Hahahahahahahaha!”
Sa isang video naman ay mapapanood na sinasabi umano ng dating Presidential Spokeperson kay Ronnie.
“merong six pack na kinakain… iniinom. Well, maraming nagtatanong kasi ang image mo talaga, wholesome. Wholesome ka ba talaga? Hahahahahahaha! Baka naman palikero ka ha? Ano ba yan, talaga bang maputi ka at mukhang Koreano?”
Kumalat ang naturang videos matapos lumabas ang balita na ang pageant winner na si Alberto Rodulfo “AR” dela Serna ay travel buddy ni Roque.
Sa kanyang Facebook page ay naglabas ng saloobin si Ronnie tungkol sa mga negatibong tsismis.
“When people hear good things about you, they stay silent. When they hear bad things about you, they spread it like wildfire. But when they hear nothing about you, they make things up,” pahayag ng singer.
“However, it’s important to remember that you cannot control what others say about you Instead, focus on the best version of yourself and let your actions speak for themselves. Over time, your character and integrity will shine through,and the people who matter most will recognize and appreciate you for who you are,” saad pa ni Ronnie.
Samantala, bago ito ay naglabas na rin ng official statement ang abogado ni Ronnie na si Atty. Rafael Vicente Calinisan at itinanggi na ‘alaga’ ni Roque ang OPM singer.
“Para malinaw, si Ronnie Liang ay hindi po ‘alaga’ ni Harry Roque tulad ng ibig pakahulugan ng ilan. While Ronnie and I personally had a good laugh watching the videos, instead of these innuendos, our efforts are better spent investigating the ill-effects of POGOs in the country, or pushing for laws that advocate gender equality,” ang pahayag ng lawyer sa kanyang X account (dating Twitter).
Ayon pa kay Atty. Calinisan, ang naturang videos na kumakalat ay mula sa vlog ni Roque noong 2022.
“Ronnie was in Dinagat Island last July 2022 to distribute relief goods for the victims of Typhoon Odette. He was with the Philippine Army where he is a reservist. Ronnie only chanced upon Atty. Roque after the humanitarian aid mission, during the tour of the island. They were accompanied by a number of soldiers, policemen, and officials from the local government unit. The courteous and well-mannered person that he is, Ronnie gamely participated in the vlog of Atty. Roque,” paliwanag ng abogado.