Janella

JANELLA NAG-ENJOY SA KAUNA-UNAHANG PRIDE EXPERIENCE

June 24, 2024 Vinia Vivar 164 views

First time dumalo ni Janella Salvador sa Pride Festival at ibinahagi niya ang kanyang magandang experience sa Instagram.

Nag-post ang aktres ng mga video at photo ng kanyang performance sa ginanap na LoveLaban2Everyone Pride PH Festival 2024 concert sa Quezon Memorial Circle.

“My first pride experience was a dream,” bungad ni Janella sa caption.

Patuloy pa ng aktres, natutuwa siyang makita ang LGBTQIA+ community na nagdiriwang at ipinaglalaban ang karapatan.

“It was nice to see everyone in high spirits just celebrating, openly showing each other affection and actively protesting for equal rights. I’m glad i was able to share this moment with you all before the rain poured but i really hope you all kept safe out there! #PridePH,” aniya.

Sa nasabing event, Janella performed her new single, Hey, You na tumatalakay sa GL o girl’s love dahil tungkol ito sa dalawang magkaibigang babae in high school na na-in-love sa isa’t isa.

Sa music video nito ay kapareha niya si Jane de Leon na matatandang nakasama niya sa seryeng Darna.

Kaya naman swak na swak ang latest single ni Janella sa Pride Festival at pinuri rin ito ng LGBTQIA+ netizens.

“It was really unforgettable experience with the Vadengs and with you. Pouring your heart out in front of people and dedicating that mv to us means so much to us. Thank you for letting us love you the way you love us,” komento ng isang miyembro ng community.

“Happy Pride, Janella! Maraming Salamat sa pagsama sa laban! (heart hands, holding back tears emojis),” sey naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE