Robin

Robin humingi ng paumanhin sa gluta drip issue sa Senado

February 23, 2024 PS Jun M. Sarmiento 112 views

HUMINGI ng pang-unawa at paumanhin si Senador Robinhood Padilla pagkatapos pag-usapan sa social media at batikusin ng mga netizen ang viral na larawan ng asawang actress na si Mariel Padilla na kung saan ay ito ay nagpapa gluta-drip sa opisina nito mismo sa Senado.

“Nakatawa naman po ang isyu na yan. Kung may nakita po sila sa larawan na yan,” ani Padilla.

Sinabi din ng Senador na walang naman masamang intention mambastos kundi nais lamang ng kanyang asawang si Mariel na I-promote ang good looks and good health.

“My wife likes to promote good looks and good health. Natatawa talaga ako,” ani Padilla

Kasama si CAMILLE P. BALAGTAS