Mariel

PAGPAPA GLUTA DRIP NI MARIEL SA SENADO IKINABAHALA

February 23, 2024 PS Jun M. Sarmiento 106 views

NAKAKABAHALA umano sa reputasyon ng Senado ang pagpapa-gluta drip sa Senado ng aktres na asawa ni Sen. Robinhood Padilla na si Mariel Padilla.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Nancy Binay na tipong nakababahala ang nasabing pangayayari lalo’t reputasyon ng Senado ang nakataya sa nasabing insidente.

“Nakaka-bother lang dahil yung IV procedure was done inside the Senate premises na walang abiso mula sa clinic. And to make it more complicated, yung gluta drip ay ni-declare na mismo ng DOH na unsafe, banned ng FDA, and it was administered outside the clinic without the proper medical advice from a licensed health professional,” ani Binay.

Umani umano ng ibat ibang reaksyon sa mga netizens ang pag-post ni Mariel ng kanyang larawan habang nagpapa-gluta drip sa oposina ng kanyang mister na si Robi

“As public figures, sana aware din tayo sa responsabilidad natin sa publiko. We might be promoting something na ipinagbabawal at iligal, at akala ng mga tao eh okey lang. Isipin din natin may kasamang kapanagutan ang pagiging artista, lalo na kung senador ang asawa mo,” payo ni Sen. Binay matapos makaladkad ang institusyon ng senado sa naturang isyu.

Samantala inamin ni Binay na bagamat usap usapan ito sa social media ay hindi niya rin sigurado kung maaaring dalhin ang usapin sa Ethics Committe dahil hindi naman aniya senador mismo ang gumawa nito.

“I’m not sure if the ethics committee can extend its jurisdiction dito sa nangyaring insidente since hindi naman member ng Senado si Ms. Mariel. But we also need to closely look into it because it involves issues of conduct, integrity and reputation of the Institution, and matters that concern health and safety, ”

Kamakailan lamang ay nagbigay diumano ng babala ang food and drug administration ukol sa pagamit ng gluta sa mga side effect nito lalot kung walang gabay ng doktor matapos may namatay umano sa paggamit nito. Sinabi din ng Dept of Health na dapat kailangan palawakin ang tamang paggamit nito na may gabay ng mga propesyonal na doctor.

Hiningi ng People’s Tonight ang panig ni Sen. Padilla ukol sa insidente ngunit wala pang sagot as of press time. Nina PS JUN M> SARMIENTO & CAMILLE P> BALAGTAS