Araro

Robb, kilig kina Piolo at Alden

November 20, 2023 Ian F. Fariñas 407 views

KINIKILIG pa ang sexy star na si Robb Guinto nang aminin sa entertainment writers na crush niya sina Piolo Pascual at Alden Richards.

Sa grand mediacon ng latest Vivamax project niyang Araro, inamin ni Robb na crush na crush niya ang kaguwapuhan ni Papa P pero hindi pa niya ito nami-meet in person.

Type ba niyang maka-love scene ang isa sa hottest showbiz hunks? tanong ng press.

“Eksena lang naman po,” agarang sagot ni Robb, “kahit hindi intimate scene, hahaha!”

Si Alden naman, cute, anang dalaga.

“Kasi nga napapanood ko na po talaga siya since noon pa lang sa Eat Bulaga pa lang nu’ng silang dalawa ni Maine (Mendoza). AlDub fan po ako,” patuloy ni Robb.

Anyway, support nina Vince Rillon at Micaela Raz ang papel na gagampanan niya sa Araro na dinirek ni Topel Lee.

Para kay Robb, hindi importante kung lead o support ang role niya.

“Ang akin is gusto kong ma-explore kung ano ‘yung mga hindi ko pa nagagawa, kung ano ‘yung mga hindi ko pa nagagawa na ibang roles. Kaya hindi naman po importante sa akin pagiging bida o hindi. Ayun po,” paliwanag niya.

Pinuri naman siya ni Micaela sa pagiging supportive sa kanila.

“Si Ate Robb, nagkakilala kami sa workshop nu’ng mag-sign-up kami sa Viva. Nauna talaga siya sa akin magkaroon ng bida roles. Sobrang heartfelt lang na may mga actor na hindi naiisip ‘yung estado nila sa isang role kung support man sila o bida. ‘Yun ‘yung maganda sa mga nakakasama ko sa Vivamax, kasi hindi ganu’n ‘yung tingin nila.

‘Yung story dito sa Araro, it all started kay Ate Robb, mag-i-end din sa kanya ‘yung Araro. So siya ‘yung may pinakaimportanteng role dito,” pahayag ni Micaela.

Magsisimulang mapanood ang Araro sa Vivamax sa Nov. 22.

AUTHOR PROFILE