RIT Ang isa sa mga suspek. Kuha ni JONJON C. REYES

RIT timbog sa boga

September 20, 2023 Jonjon Reyes 205 views

MASUSING iniimbistigahan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang riding-in-tandem kung may kinalaman ang mga ito sa mga nangyaring holdapan sa lugar makaraang makitaan ng kalibre 45 baril ang rider at ang backrider nito na isang menor de edad, Miyerkules sa panulukan ng Vasquez at J.Nakpil Street, Malate Manila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) inrelation to B.P.881 Omnibus Election Code of the Philippines sina alyas Cris,24, binata, walang trabeho, ng P. Zamora St.,Pasay City, at ang 17-anyos na rider nito na residente rin ng nasabing siyudad.

Base sa ulat ng Remedios Police Community Precinct na sina Police Corporal Vi Jay Obarra,PCpl El-ar Malonzo kasama sina PCpl Mark Christian Apan,PCpl Benedixon Guma-ad at PCpl RickmonBorras, habang sila’y nagsasagawa ng motorized patrol sa kanilang Area of Responsibility( AOR) bandang 6:30 a.m. nang mamataan ang riding in tandem na lulan ng puting NMAX motorcycle na walang plaka.

Dahil dito sinita nila ang magkaangkas at nadiskubre ang dala nilang 45 caliber na baril na walang serial number na kargado ng limang bala.

Ang rider ay nakitaan din ng catridge na may apat na bala.

Iniimbestigahan na ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz kung ang mga suspek ay sangkot sa mga holdap sa Ermita at Malate.

AUTHOR PROFILE