Borbe Pinuri ni “The Game Changer General” PBGen.Andre P. Dizon ang mga kapulisan ng Sampaloc sa pamumuno ni Police Lt.Col.Rodel Borbe (kaliwa) dahil sa mabilis na aksyon at payapang pagka-aresto sa suspek sa Olongapo.

Flower arranger huli ng MPD dahil sa rape

September 20, 2023 Jonjon Reyes 515 views

MWP natiklo sa Gapo

NABITAG ng mga operatiba ng Warrant and Intel Section ng Manila Police District -Sampaloc Police Station 4 ang isang 40 anyos na flower arranger dahil sa umano’y kasong rape makaraang matunton sa loob ng 4 M.S Flower Shop sa East Bajac Bajac Olongapo City, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas Vane, may asawa, flower arranger, nanunuluyan sa Arthur Street, West Bajac Bajac Olongapo City.

Napag-alaman na ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) sa probinsiya ng Iloilo at nasa top 1 most wanted person sa regional level ng Provincial Region Office 6.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Executive Master Sargent Luis Coderes, hepe ng Warrant and Intel Section, kay Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Sampaloc PS4 commander, bandang 3 p.m. nang arestuhin ang suspek sa loob ng flower shop.

Magkasanib na puwersa ng MPD at ng mga tauhan ng Bingawan MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Ryan Christ Inot ang nagtungo sa flower shop kung saan nagtatrabaho ang suspek bilang flower arranger.

Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant laban sa suspek na inisyu ni Judge Redentor Eugenio Esperanza, ng Regional Trial Court Sixth Judicial Region Branch 76 ng Janiuay, Iloilo na may petsang August 2,2023, para sa tatlong kaso ng rape.

Matapos maaresto ay itinurn over sa Olongapo ang suspek upang harapin ang kanyang kaso,.

Nagpaabot ng papuri at pasasalamat si “The Game Changer General” PBGen.Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Sampaloc sa pamumuno ni Police Lt.Col.Rodel Borbe sa mabilis na aksyon at payapang pagka-aresto sa suspek.

AUTHOR PROFILE